The Jerusalem PostLod mayor ‘seething’ after Jewish-Arab clashes, right-wing activist summoned for questioningInquirerIlocos Sur town sets P180 minimum farmgate price for live hogsPunchDon’t politicise sports, Presidency tells Obi over Flamingos greetingDaily MaverickRENEWABLES CRISIS : Pele’s governance test: Why a private boardroom matters to SA’s energy transitionZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioSRF NewsSchauspieler und Comedian – Über zehn Jahre Haft für Russell BrandIl Fatto QuotidianoLe renne che nuotano per la migrazione invernale: le incredibili immagini che arrivano dalla Norvegia – VIDEOCollider‘The Acolyte’ Director’s New Thriller Officially Scores ‘The Wheel of Time’ StarScreen RantPlayStation Officially Announces All-New ConsoleDigital Spy"What is going on?": Former Strictly star Oti Mabuse hits out at the judges' scoringCBS NewsHow to qualify for credit card debt forgiveness in 2027ABC NewsRussell Brand sentenced to 10 years 6 months in prison for rape, sexual assault
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, November 9, 2026

Mag-ina, patay sa sunog sa Caloocan; padre de pamilya at 1 pang anak, sugatan

Translate

Nasawi ang isang ina at kaniyang anak, habang sugatan naman ang kanilang padre de pamilya at isa pa nilang anak matapos masunog ang kanilang bahay sa Caloocan City nitong madaling-araw ng Lunes.

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News 24 Oras, sinabing naganap ang sunog sa Velasco Street sa Barangay 7 dakong 4:00 a.m. Makikitang tumutulong ang mga residente sa mga bumbero na apulahin ang sunog.

Pero hindi pinalad na mailigtas 50-anyos na ina, at ang walong-taong-gulang niyang bunsong anak na babae. Nagtamo naman ng mga paso sa katawan ang padre de pamilya at isa pa nilang anak, na dinala sa ospital.

Umabot sa unang alarma ang sunog, at idineklarang fire out pagkaraan ng mahigit isang oras.

Ayon sa awtoridad, gawa sa light materials ang bahay ng mga biktima at mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi na sila nakalabas ng bahay.

Umabot umano sa limang bahay ang naapektuhan ng sunog, at inaalam pa ang pinagmulan ng sunog, at halaga ng pinsala. –FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.