InquirerPNP probes source of fake DLSU-D mass shooting reportThe Jerusalem PostUS Senate unanimously passes bipartisan resolution honoring American October 7 victimsPunchOyo agency seizes 20 cows over open grazing, crop destructionBollywood HungamaNushrratt Bharuccha to undergo spine surgery: Team issues official statement amid accident reportsESPN Deportes¿Por qué se celebra el Gran Premio de Bahréin de F1 en Malasia?20 MinutenDas musst du zum Fall um die «Cornell Seven» wissenZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioKhaosod EnglishThailand launches THIM app as digital gateway for foreignersCollider8 Netflix Shows That Deserve a Place Among TV's All-Time Greatest, RankedLa PresseTransports en direct | Rien à signalerRTL BoulevardBekende Nederlanders in actie voor acceptatie homoseksualiteitGhaflaUS death row inmate survives two lethal injection doses during failed execution attempt
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 2, 2026

Babaeng isinalang sa bitay sa US pero 'di namatay sa 'lethal injection,' kritikal at nasa 'life-saving care' ngayon

Translate

Nasa kritikal na kondisyon at sumasailalim sa “life-saving care” sa pagamutan ang isang babaeng hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection pero pumalya ang dalawang turok na ginawa sa kaniya sa Tennessee, USA, ayon sa kaniyang abogado nitong Huwebes.

Sa hindi pangkaraniwang pangyayari, isinugod si Christa Pike, 50-anyos, mula sa death chamber patungo sa isang ospital noong Miyerkules ng gabi. Buhay pa siya sa kabila ng dalawang dose ng pentobarbital, isang gamot na ginagamit sa lethal injection.

"What we have been told is that she is in critical condition, receiving life-saving care," sabi ni Atty. Randy Spivey sa isang virtual news conference nitong Huwebes ng hapon, pero wala na siyang ibang impormasyon na ibinigay.

Hinimok niya si Gobernador Bill Lee, na tumanggi sa kanilang kahilingan na bigyan ng clemency o ibaba ng sentensiya ni Pike, na bawiin na ang hatol na kamatayan.

"After having endured solitary confinement for more than 20 years and a full attempt to kill her by lethal injection, Christa has endured punishment greater than any other person in the history of the American death penalty. The governor must commute Christa's sentence now," sabi ni Spivey.

Sinabi ng mga eksperto sa parusang kamatayan sa US na pambihira ang nangyari at wala pang katulad.

"This failed attempt is the worst we've ever seen and unlike any other botched execution in the modern era," ayon kay Robin Maher, executive director ng Death Penalty Information Center.

BASAHIN: Lethal injection, tila 'di 'tumalab' sa babaeng binitay sa Tennessee, USA?

Ayon sa center court, may pitong bilanggo na hindi naipatupad ang pagbitay dahil nabigong mahanap ng mga medical staff ang intravenous (IV) line para daluyan ng mga gamot. Pero sa kaso ni Pike, “She is the first person to survive after being injected with lethal doses of execution drugs."

Noong Huwebes ng gabi, kinuwestiyon ni US President Donald Trump kung paano pumalpak ang pagbitay kay Pike. Sinabi niya sa mga mamamahayag na, “it shouldn't be very difficult."

'Humilik nang malakas'

Sinubaybayan ng publiko ang kaso dahil si Pike sana ang magiging unang babaeng bibitayin sa Tennessee sa loob ng mahigit 200 taon.

Sinabi ni Kim Chandler, isang saksi mula sa media na kumakatawan sa The Associated Press, sa CBS News na, “Pike appeared notably awake as the execution began" sa Riverbend Maximum Security Institution sa Nashville.

"A couple of times she looked around the room. At one point she looked towards prison officials and asked if it was supposed to feel that way," ani Chandler.

Kalaunan, nagsimulang humilik nang malakas si Pike. Halos isang oras na nakinig ang mga saksi mula sa viewing area bago sila pinapalabas.

Nauna nang tumutol ang mga abogado ni Pike sa protocol ng paggamit ng IV sa pagbitay. Ayon sa kanila, magdudulot ito ng paghihirap dahil sa maliliit na ugat ni Pike at sa kaniyang kondisyon sa dugo.

"I counted at least seven needles used in her left arm alone, one of which appeared to be bent when it was pulled from her arm after an unsuccessful attempt to start an IV line,” ani Spivey.

Sinabi naman ng abogadong si Stephen Ferrell na nagbabala ang mga medical expert na maaaring matanggal sa puwesto ang mga karayom o tumagos sa ugat, dahilan upang mapunta sa braso ni Pike ang mga nakamamatay na gamot sa halip na sa kaniyang daluyan ng dugo.

"It sounds like that is likely to have occurred," saad niya.

Ayon sa mga saksi mula sa media, sinabi ni Pike sa mga tauhang nagsasagawa ng pagbitay na pakiramdam niya ay “puputok” ang kaniyang braso. Sinabi naman ni Spivey na nakita niyang naging kulay ube ang kanang braso ni Pike, lalo na matapos ang ikalawang lethal injection.

Hindi raw natatakot mamatay si Pike, ayon kay Ferrell.

"It was a fear of a prolonged, painful, traumatic death, and that's what happened, minus the death," dagdag niya.

Isinagawa ang pagbitay kay Pike ilang oras matapos alisin ng US Supreme Court ang huling-minutong stay mula sa mababang hukuman na pumipigil sa execution.

Dahil dito, nabigyan ng daan ang pagpapatupad ng parusang kamatayan kay Pike, 50-anyos, dahil sa kaniyang naging papel sa pagpapahirap at pagpatay sa 19-anyos na si Colleen Slemmer noong 1995 sa Knoxville.

Noong Enero 1995, 18-anyos si Pike nang akitin nila ng kaniyang 17-anyos na nobyong si Tadaryl Shipp, at ng isa pa, ang biktimang si Slemmer, kaklase nila sa Knoxville Job Corps vocational center, na pumunta sa isang masukal na lugar.

Doon nila pinahirapan at pinatay ang biktima.

Naging malaking balita ang naturang krimen dahil sa karumal-dumal na paraan ng pagpatay sa biktima, at pagkuha pa ng mga salarin sa bahagi ng bungo ng Slemmer bilang souvenir sa kanilang ginawa.

Inamin nina Pike at Shipp ang krimen, at parehong hinatulan sa kasong first-degree murder. – ulat mula sa Agence France-Presse/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.