Daily MaverickBook review: Sensible policy seeds sown by SA’s farming maestroThe Jerusalem PostIDF cites successful West Bank olive harvest amid hundreds of reports of targeted settler violenceInquirerPNP: Anti-drug ops continue despite massive Asean security deploymentPunchI was glad Portugal lost to Denmark — Ronaldo’s motherBollywood HungamaEXCLUSIVE: Golmaal 5 sparks MASSIVE bidding war! Distributors ready to shell out OVER Rs. 100 crores for Ajay Devgn-Akshay Kumar starrer's all-India rightsInquirer EntertainmentGlenn Close emotional as she receives honorary Oscar after 8 nominationsSözcüİngiltere'nin gözde tatil yeri yıkılma tehlikesiyle karşı karşıyaStraits Times SportIPL career over, Dhoni unveiled as Chennai team mentor20 MinutenTod nach Horror-Foul: Spanien-Legende kritisiert Goalie-StrafeThe South AfricanFernando Alonso to make Dakar Rally 2027 return for Aston MartinZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioNHK 社会理研のスパコン「富岳」不正アクセス 研究データなど漏えいか
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 17, 2026

Piso, halos umabot muli sa P64-$1 nitong Martes; pero nagpakita pa rin ng lakas sa huli

Translate

Muntik nang umabot muli sa P64 kada isang dolyar ng Amerika ang halaga ng piso sa kalakalan ng merkado nitong Martes. Sa huli, nagpakita pa rin ito ng lakas na nagsara na mas mataas kumpara nitong Lunes laban sa dolyar.

Umabot sa pinakamababang halaga na P63.99 kada dolyar ang piso at pinakamataas naman sa halagang P63.73 kada dolyar sa intraday trading.

Ayon kay Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp., suportado ang paglakas ng US dollar ng mga inaasahang agresibong hakbang ng US Federal Reserve sa pagtataas ng interes, mataas na yields ng US Treasury bonds, at kawalang ng katiyakan sa geopolitical situation.

Nagbukas ang halaga ng piso sa P63.90 kada dolyar, mula sa pagsasara nitong nakaraang araw ng Lunes sa P63.94 kada dolyar.

Gayunman sa nagtapos ang kalakalan, nagsara ito sa halagang P63.67 kada dolyar, na mas mataas sa P63.94 kada dolyar nitong Lunes.

Samantala, nakatulong naman sa paglakas ng piso ang pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado. Kasunod ito ng mga senyales na tataas ang suplay ng krudo sa buong mundo, ayon kay Ricafort.

Sinabi rin ni Ricafort na maaaring makatulong nang bahagya sa pagpapatatag ng palitan ng piso ang posibleng pagtataas ng interest rates ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“It could somewhat help stabilize the peso exchange rate, importation costs, and, in turn, also better manage inflation and inflation expectations,” saad ng ekonomista.

Nitong nakaraang Oktubre, pinawi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pangamba ng publiko sa patuloy na paghina ng piso na umabot na sa P64 kada isang dolyar ng Amerika.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.