InquirerKidapawan mayor bars LGU Christmas parties outside provinceDaily MaverickPARLEY UNDER THE PINES: Finally, the science is settled on Lower Tokai fynbos — what the experts sayThe Jerusalem PostNearly 60 years after MLK's canceled Israel trip, Black Christian leaders follow his visionPunchJAMB to refund UTME fees for candidates with disabilitiesInquirer EntertainmentJeremy G faces heat over Grammy nomination claim following BINI recognitionSky TG24Guerra Ucraina Russia, Putin: "Mi aspetto grandi benefici da incontro con Xi e Trump" LIVEWirtualna Polska"Niczym po konklawe". Lewandowski opublikował wpisZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFVilaWebAlerta Solidària presenta un recurs contra l’empresonament del vaguista detingut a CastellóColliderThis Is the MVP of the Lord of the Rings TrilogyABC NewsMullin faces congressional hearing in the wake of historic nationwide ground stopBBC News BrasilReunião de Trump, Putin e Xi pode dividir o mundo em três? Por que cúpula preocupa a Europa
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 18, 2026

Bangkay ng lalaki, nakita sa loob ng tindahan na sinalpok ng truck sa Antipolo, Rizal nitong Martes

Translate

Patay na nang makita sa loob ng tindahan na sinalpok ng isang dump truck sa Antipolo, Rizal, ang isang lalaki na kabilang sa mga sugatan at inakalang dinala sa ospital.

Sa ulat ni Pamela Adriano sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkoles, inihayag ni Police Captain Nomer Macaraig, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), nakita kanina ang bangkay ng biktima sa loob ng nawasak na tindahan sa Sumulong Highway na malapit sa Francisville sa Barangay Mambugan.

Unang iniulat na isang biktima ang nawawala sa nangyaring sakuna at inakala na nadala na ito sa ospital.

Lumalabas sa imbestigasyon, na bumibili ang biktima sa tindahan nang sumalpok ang truck, at nabagsakan siya ng mga paninda at roll-up door.

Nasa pinangyarihan pa rin umano ng insidente ang truck, na ayon sa driver ay nawalan ng preno.

Hindi bababa sa walong sasakyan ang inararo ng truck bago ito bumangga sa tindahan.

Nasa anim katao naman ang nasugatan sa insidente.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver at inihahanda na ang mga reklamong isasampa laban sa kaniya.

BABALA: SENSITIBONG BALITA Isang lalaki, nasawi sa pag-araro ng dump truck sa ilang sasakyan at isang tindahan sa Sumulong Highway, Antipolo City, ayon sa Rizal Provincial Police. | via @PamelaAdriano https://t.co/hQwwOZfDPl

— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 18, 2026
View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.