Pagmahal ng mga bilihin ang nanguna sa mga inaalala ng mga Pinoy, ayon sa survey

Pagmahal ng mga bilihin ang nanguna sa mga inaalala ng mga Pinoy, batay po iyan sa latest survey ng OCTA Research, ayon sa ulat sa "24 Oras."
Aabot sa 42% ang nagsabing dapat ang prayoridad ng gobyerno ang pag control sa presyo ng mga produkto at serbisyo.
Yan din ang number one noong July 2026, pero 5% na mas mataas ang bilang ng nag-aalala ngayon.
At 35% naman ang nagsabing inaalala ang pagsasaayos at pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa
Habang paglaban sa korapsyon sa gobyerno ang concern ng 29% ng mga Pinoy.
Isinagawa ang survey noong September 28 until October 4, 2026 with 1,200 respondents na may edad 18 pataas. May margin of error itong ± 3%, at 95% confidence level. — BAP GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.