Lalaking nangingisda, patay nang tamaan ng kidlat sa Albay

Nasawi ang isang lalaking nangingisda matapos siyang tamaan ng kidlat sa Legazpi, Albay.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing nangingisda ang lalaki sa Old Port sa Barangay Bigaa nang bumuhos ang ulan at tamaan siya ng kidlat.
Patay na ang lalaki nang datnan ng mga taga-Emergency Quick Response Team at pulisya. —Joviland Rita/ VAL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.