Punch2027: Tinubu’ll win all 36 states, says Ekiti APC chieftainCNN Türkİsrail, Gazze'de hastane vurdu: Yıkım büyük, ölü ve yaralılar var!InquirerWATCH: Sara Duterte impeachment trial | Nov. 12, 2026The Jerusalem PostIDF strikes Hamas terrorists planning attacks from Khan Yunis's Nasser HospitalInquirer EntertainmentWho is this scene-stealer in ‘The Remarried Empress’?Bollywood HungamaSHOCKING: Amitabh Bachchan's Jalsa at centre of family DISPUTE; sister-in-law Ramola challenges gift deed transferring iconic bungalow to Jaya BachchanZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFRapplerEDSA bus lane opened to ASEAN delegates during summitRMF24Trybunał Konstytucyjny nie miał wątpliwości. Skandal z dyplomem i rezygnacja wiceprezydenta20 MinutenHorror-Unfall: Toter ist bekannter CEO aus der RegionCNN بالعربيةالحرس الثوري الإيراني: انفجاران في ناقلتي نفط عملاقتين عبرتا المسار الجنوبي لمضيق هرمزn-tvNeues Konzept gegen Käuferschwund: Harley-Davidson Sprint 440 soll junge Fahrer anlocken
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, November 12, 2026

Pagnanakaw ng 2 lalaki sa kawad ng kuryente, natigil nang mag-spark ang kable

Translate

Napurnada ang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa mga kawad ng kuryente matapos biglang mag-spark ang kable sa Barangay San Jose, Navotas.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Unang Balita nitong Huwebes, makikita sa CCTV footage ang dalawang lalaking nasa labas ng isang welding shop 2 a.m. ng Nobyembre 3.

Ilang saglit pa, nag-spark ang kuryente at nahulog ang isa sa mga suspek. Pinunterya nila ang mismong kable ng kuryente, ayon sa barangay.

Walang kaalam-alam ang dalawang suspek na pinanonood na pala sila ng CCTV operator ng barangay.

“Habang nagmo-monitor 'yung ating CCTV operator, bigla siyang may napansin na nag-spark sa isang anggulo ng screen. Nag-focus siya doon at nakita nila may dalawang naka-standby doon na lalaki,” sabi ni Kagawad Boyet De Guia ng Barangay San Jose, Navotas City.

Nagtungo sa lugar ang mga tanod ng barangay.

Nakita ng mga suspek ang mga awtoridad kaya agad silang tumakbo. Hinabol sila ng mga tanod.

Nahanap ang isa sa mga suspek matapos tahulan ng aso habang nagtatago sa isang eskinita sa barangay.

“Naghalughog uli sila hanggang yung isang pulis natin kasama na nila may napuna siyang kahina-hinala dahil may isang asong tuloy-tuloy lang ang pagtahol. Ayun nga, nakita nila nandoon pala nagtatago 'yung tao,” sabi ni De Guia.

Kalaunan, pinakawalan din ang suspek matapos walang tumayong complainant.

Pero noong Nobyembre 5, naaktuan siya na naglalaro ng ilegal na sugal sa Barangay Tanza Dos kaya muli siyang hinuli.

Nakakulong na sa Navotas City Police Station ang suspek na wala pang pahayag.

Nahaharap siya sa reklamong illegal gambling.

Nananatiling nakaalerto ang barangay para mahuli ang kasabwat niya sa tangkang pagnanakaw. —Jamil Santos/AOL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.