77-anyos na babaeng tumatawid, patay nang masagi ng SUV sa Cebu City

Isang 77-anyos na babaeng senior citizen na tumatawid ang nasawi matapos siyang masagi ng isang SUV sa Barangay San Nicolas Proper sa Cebu City.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa kuha ng CCTV na paliko ang SUV sa isang kanto, samantalang tumatawid ang babae na wala sa pedestrian lane.
Huminto ang SUV matapos mahagip ang babae at bumaba ang mga sakay nito para tulungan siya.
Pumanaw ang biktima bago makarating ang mga awtoridad.
Sinabi ng barangay captain na natumba at nabagok ang biktima matapos mahagip ng side mirror ng SUV.
Hindi naman mabilis ang takbo ng SUV.
Patuloy ang imbestigasyon ng traffic police sa insidente, habang hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya ng biktima. —Jamil Santos/KG GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.