Tricycle na tumigil para magsakay ng pasahero, nasalpok ng bus; 1 patay, 4 sugatan

Isang tao ang nasawi at apat ang sugatan matapos na masalpok ng isang bus ang isang tricycle sa Provincial Road sa Barangay Palsahingin, San Pascual, Batangas, nitong Sabado ng tanghali, Setyembre 26, 2026.
Ayon sa paunang ulat ng Batangas Provincial Police Office (PPO), huminto ang tricycle sa gilid ng kalsada upang magsakay ng pasahero nang salpukin ito ng bus.
Nasawi sa lakas ng pagkakabangga ang isa sa mga pasahero ng tricycle, habang nasugatan naman ang tatlo pang pasahero at ang driver nito. Dinala sila sa isang pagamutan para malapatan ng lunas.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong detalye ng insidente.— FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.