ESPNBottom 10: Time not on Michigan's side in this onePunchIndependence: FG declares Thursday public holidayDaily MaverickFOUL PLAY: Manchester City’s ‘sham’ deals leave Premier League in uncharted territoryThe Jerusalem PostSohlberg sets Central Elections Committee hearing on Likud petition against Fly&Vote initiativeBollywood HungamaWho is Lalit Prabhakar? Meet the National Award-winning actor playing Ajmal Kasab in PrahaarInquirerRidon’s tip to defense: Don’t remove Poa, he’s the best you haveHong Kong Free PressEx-husband, in-laws accused of murdering Hong Kong model appear in courtGuardian SportSouth Africa v Australia: third men’s one-day international – liveBBC NewsGreggs to shut four factories and cut 740 jobsالشرقطائرة فلاي دبي.. إصابة الطيار ومساعده وتحقيقات لمعرفة ما جرى على متنهاVilaWeb[INTERACTIU] Què canvia el decret d’habitatge si sou llogaters o propietaris?La PresseLongueuil | Un conducteur de 17 ans percute une résidence en fuyant les policiers
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, September 30, 2026

78-anyos na dating tsuper, inatake sa puso habang nakikiisa sa transport strike

Translate

Isinugod sa ospital ang isang 78-anyos na dating tsuper matapos atakihin sa puso sa gitna ng kaniyang pakikiisa sa transport strike ng grupong PISTON nitong Martes. Ang biktima, kabilang sa mga tsuper na ikinulong noong COVID-19 pandemic dahil sa pagwelga sa gitna ng lockdown.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing nahihirapan ngayong huminga at kritikal ang kondisyon ng dating tsuper na si Elmer Cordero, matapos atakihin sa puso sa unang araw ng protesta ng grupong PISTON sa Monumento.

Bago nito, makikita sa isang larawang pinost ng grupong PISTON na malakas pa si Cordero habang nakikiisa sa welga bago siya atakihin.

“Bigla na lang daw pong sumikip 'yung dibdib at nawalan na po siya ng malay. Hindi po siya nagsabi na masama 'yung pakiramdam niya, basta umupo na lang daw po siya,” sabi ni Janette Gabatin, Secretary General ng PISTON - NCR.

Dahil na rin sa kaniyang edad, maaari umanong pinalala ng ibang sakit ang kondisyon ni Cordero, na limang dekadang naging jeepney driver.

“Ang una niya pong iniinda ay 'yung sakit niya po sa likod. At napag-alaman ko rin po na may asthma siya. Ang sabi po ng nakausap kong nurse, parang komplikasyon na po ‘yun sa puso at saka 'yung sa asma niya,” sabi ni Gabatin.

Kasama si Cordero sa tinaguriang “Piston 6” o anim na miyembro ng grupo na dinakip at ikinulong noong 2020 matapos silang magkilos-protesta, na labag sa quarantine protocol, ayon sa pamahalaan.

Inatras naman kalaunan ang reklamo laban sa Piston 6.

Sinabi ng grupong PISTON na nagsisilbing inspirasyon si Tatay Elmer sa lahat ng mga kasapi dahil sa sigasig niya sa pagsusulong ng karapatan ng mga tsuper.

“Masipag po si Tatay Elmer rin. Nangunguna po sa lahat iyon. Ayaw po niya ng nali-late siya. Humuhugot po siya sa pinaglalaban niya. Basta isa lang po 'yung sinasabi niya. Kailangan manalo ang pinaglalaban ng mga kita ng tsuper,” sabi ni Gabitin.

Kasalukuyang naka-confine si Tatay Elmer sa Caloocan City Medical Center.

Humihingi ng tulong ang kaniyang pamilya para sa mga gastusin sa ospital. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.