InquirerDuterte impeachment: Witness shows Carpio buying shoes for youth teamBollywood HungamaHarshvardhan Rane buys luxury home worth Rs 15-16 crores in Mumbai: ReportSky TG24Allarmi bomba, Palazzo Chigi: "No a evacuazioni senza elementi concreti di pericolo"Daily MaverickQUALIFYING PUSH: Bafana Bafana ready to tackle troubled Kenyans in key Afcon qualification clashThe Jerusalem PostZelensky says Starshield speed is being limited again, hampering Ukraine's defensesZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioIl Fatto QuotidianoStefani mi risponde sul carovita: “Il Veneto vuole aiutare i fragili. Di pensioni d’invalidità parlerò con Meloni”Би-би-си«Манчестер Юнайтед» уволил главного тренера Майкла КэррикаCNewsT2 AdTech обеспечил брендам 16 млрд показов рекламы за годVarietyTom Holland Says Starring in ‘The Odyssey’ Has Given Him an ‘Ambition to See What Else is Out There For Me’BBC NewsOil spill closes 18 beaches across KentCBS NewsTrump says Iran war will be over "when we want to end it"
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, November 12, 2026

AMLC: Walang bank records na may contractor o taga-DPWH nagpasok ng pera kay Romualdez

Translate

Inihayag ng isang testigo mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) nitong Huwebes na walang kaugnayan sa mga transaksiyon mula sa flood control projects ang mga remittance na nagkakahalaga ng P560.5 milyon na pumasok sa bank account ng suspendidong kongresista ng Leyte na si Martin Romualdez, na mula 2022 hanggang 2025.

Sa naturang pagdinig ng Sandiganbayan, sinabi ni AMLC financial investigator Atty. Jan Mark Busa, na nangyari ang mga nasabing transaksyon sa account ni Romualdez, noong lider siya ng Kamara de Representantes, o Speaker ng kapulungan.

Isinalang si Busa sa witness stand kaugnay ng ginagawang pagdinig sa petisyon ni Romualdez para sa piyansa. Nahaharap ang suspendidong kongresista sa kasong plunder na nagkakahalaga ng P7.4 bilyon, kasama sina dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, personal assistant ni Romualdez na si Joselyn Tragua Sereño, at pangulo ng Samchan Foreign Exchange Corporation na si Felicito Cristobal Guevarra.

Idinadawit si Romualdez sa umano'y kickback scheme sa mga flood control project.

Sa cross-examination ni Atty. Rashel Ann Pomoy, abogado ni Romualdez, sinabi ni Busa na minonitor ng AMLC ang mga transaksiyon sa bangko na nagkakahalaga ng P560 milyon na naitala sa mga bank account ng dating lider ng Kamara mula Setyembre 2022 hanggang Marso 2025.

Nang tanungin ni Pomoy kung tama bang sabihin na walang natuklasan ang AMLC na nag-uugnay sa naturang P560-milyong remittance sa mga flood control project, sumang-ayon si Busa.

Sinabi rin ni Busa na hindi natunton ng AMLC ang anumang paglilipat ng pera kay Romualdez mula sa isang contractor, sa Department of Public Works and Highways (DPWH), o sa kapwa akusado niyang si Co.

Saklaw ng imbestigasyon ni Busa ang 1,951 transaksiyong pinansiyal ni Romualdez mula 2022 hanggang 2025.

Hiniling din ni Pomoy kay Busa na kumpirmahin ang nakasaad sa kaniyang judicial affidavit na minonitor ng AMLC ang remittance na nagkakahalaga ng P560 milyon na dumaan sa mga bank account ni Romualdez mula Setyembre 2022 hanggang Marso 2025.

Mas mababa ito kumpara sa P7.4 bilyong sinasabing nakulimbat sa mga proyekto, batay sa akusasyon ng mga prosecutor ng Office of the Ombudsman.

Kinumpirma ni Busa ang kaniyang pahayag na, "There appears to be a huge disparity between the inflow and the amount charged of P7.4 billion."

Bukod dito, sinabi ni Busa na walang rekord ang AMLC na nagsasaad na nagpadala si Romualdez ng pera sa Golden Pheasant, ang kompanyang umano'y ginamit ni Romualdez sa pagbili ng isang ari-arian sa 30 Tamarind Road, South Forbes Park, Makati City, na kasama sa alegasyon ng Ombudsman. — FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.