ESPNBoston sports nostalgia headlines NFL Week 5's best arrivalsInquirerNPA rebel linked to fatal ambush on soldier nabbed in Surigao townESPN DeportesRodgers pasa a Peyton Manning por tercer lugar en pases de TD en victoria de SteelersRTP DesportoVicente Pereira sonha em participar nos Jogos ParalímpicosThe Jerusalem PostSaudi Arabia needs allies against the Houthis, but will it turn to Israel? - analysisDaily MaverickTALK IS CHEAP: Morero vows transparency, but Joburg withholds release of R4bn misconduct recordsBusiness AMVerenigde Staten rusten B-52-bommenwerpers uit met langeafstands-antischiprakettenZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFRFI 中文一移民船在吉布提外海倾覆 109人死亡 116人失踪Variety‘Animals’ Star Luis Gerardo Méndez on Working With Ben Affleck and Speaking Out About Immigration: ‘You Could Be Next’ColliderPeacock’s Twisty 8-Episode Mystery Thriller Remains a Great Weekend BingeThe GuardianJaguars stun Eagles in wild finish; Packers thrash Bears; 49ers v Seahawks: NFL week five – live
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, October 11, 2026

Rider, na-hulicam ang pagtulak sa katabing rider sa Goa, CamSur; biktima, tumilapon

Translate

Na-hulicam ang pagtulak ng isang rider sa isa pang rider habang bumibiyahe sa Barangay Catagbacan, Goa, Camarines Sur, dakong alas-4 ng hapon nitong Sabado, Oct. 10.

Makikita sa video na inabot ng rider na naka-dark jacket ang kanyang kamay sa biktima, isang 50-anyos na ice cream vendor, na nawalan ng balanse at tumilapon sa daan. Hindi naman huminto ang rider na nanulak umano.

Ayon sa rider, inilabas lamang nito ang kaniyang kamay nang mapansing posibleng dumikit ang kanilang motorsiklo sa vendor. Hindi rin umano nito sinasadya ang nangyari.

Nasugatan ang kanang kamay ng vendor at nagkaroon din ng kaunting gasgas ang kaniyang motorsiklo dahil sa insidente.

Nagkasundo naman ang dalawang panig na sasagutin ng rider ang pagpapagamot sa vendor at babayaran ang pinsala sa motorsiklo. Wala namang nasayang o natapong paninda ng biktima.

Nag-isyu na ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa rider kaugnay ng insidente.

Ayon sa LTO, may sampung araw ang rider para magpaliwanag "kung bakit hindi siya dapat panagutin sa mga kaukulang paglabag at administratibong pananagutan."

Kabilang sa mga umano'y paglabag na tinukoy ng LTO sa insidente ang:

  • reckless driving,
  • improper person to operate a motor vehicle,
  • paglabag ng Duty of Driver in Case of Accident, at
  • paglabag ng Motorcycle Helmet Act.

Isinailalim din sa 90-day preventive suspension ang lisensiya ng rider, at ang motorsiklo nito ay inilagay sa "alarm" status. — BM GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.