6 katao, sugatan sa pag-araro ng dump truck sa ilang sasakyan at isang tindahan sa Antipolo, Rizal

Sugatan ang nasa anim katao matapos araruhin ng isang dump truck ang ilang sasakyan, poste at tindahan sa Sumulong Highway sa Antipolo City, Rizal nitong Martes ng hapon.
Sa ulat ni Pamela Adriano sa Super Radyo dzBB nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa Sumulong Highway na malapit sa Francisville sa Barangay Mambugan sa nasabing lungsod.
Batay sa impormasyon na nakuha mula sa kapitan ng barangay na si Marlon Singapan, nawalan umano ng preno ang truck na may kargang panghalo sa semento.
Naararo ng truck ang anim na motorsiklo, isang van, isang Sport Utility Vehicle, isang poste at ang tindahan.
Anim ang sugatan sa insidente, kasama ang may-ari ng tindahan. Pawang nagpapagaling sa ospital ang mga biktima.
Nagdulot din ng pagbagal sa daloy ng trapiko sa lugar ang insidente.
Isang dump truck, sumalpok sa isang wholesaler na tindahan sa Sumulong Highway malapit sa Francisville sa Brgy. Mambugan sa Antipolo City. | via @PamelaAdriano https://t.co/JiCF1ey9Gs
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 17, 2026
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.