InquirerPiston protests World Bank-led transport conference in BaguioCNN TürkBeşiktaş'a yıldız futbolcularından iyi haberInquirer EntertainmentMiss Universe factions clash over 2027 host country claimsThe Jerusalem PostThree killed, several wounded following two attacks on Saudi Arabia's King Khalid airportESPN DeportesMessi entrenó con Inter Miami tras homenajePunchMother, daughter die in Anambra three-storey building collapseBollywood HungamaMeezaan Jafri headlines Killer Jeans' Genes of India campaignEl ComercioTrump niega un ataque contra Irán antes de las elecciones, pero el Pentágono prepara opciones de combateZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFStraits Times SportMaddinson's test return for Australia after cancer treatment ends in duckCollider10 Essential Anime Shows That Belong on Every Fan's Bucket ListBBC News BrasilQuem é Navi Pillay, sul-africana que ganhou o Nobel da Paz 2026 e julgou genocídio em Ruanda
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 9, 2026

Lalaking naningil umano ng utang na P120 sa kumpare, sinaksak

Translate

Sugatan ang isang lalaki matapos siyang saksakin sa dibdib ng kaniyang kumpare na siningil niya ng utang na P120 sa sa Antipolo City, Rizal. Ang suspek na sumuko, itinangging may utang siya sa biktima.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng biktima na nagalit ang suspek nang singilin niya at iginiit na wala siyang utang sa Barangay San Luis.

Hanggang sa nasipa ng biktima ang suspek, kaya lalong uminit ang pagtatalo ng dalawa.

“Hindi po kami nagkaintindihan. Nagkaroon po ng medyo pisikalan, nagkamaling salita. Hindi ko naman po alam na... Ganu’n na pagkatalikod ko, papasok po siya sa amin, bigla niya na lang po akong sinaksak,” sabi ng biktima.

Kalaunan, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima at sinaksak ito sa kaliwang dibdib. Humingi ng tulong ang mga kaanak ng biktima sa barangay.

“Pagkarating namin po sa area na agad namin pinuntahan, wala na po kami nadadatnan na tao kasi gawa nang ‘yung biktima ay tinakbo na raw po ng ospital,” sabi ni Simeon Rodriguez, BPSO ng Barangay San Luis, Antipolo City.

Sumuko ang suspek nang boluntaryo sa barangay. Hindi na narekober ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.

“Naabutan na po namin dito. Ngayon nu’ng nakumpirmadong nasaksak na po siya, ay agad na po siya inaresto at pina-medical, pagkatapos ng medical, diretso sa PCP2 po,” sabi ni Rodriguez.

Kasalukuyang nakadetine sa Antipolo Police Community Precinct 2 ang suspek, na itinangging mayroon siyang utang sa kaniyang kumpare.

“Ang alam ko naman po, wala naman po akong [inutang] sa kaniya na P120. Tapos nagulat po ako. Bigla po akong sinipa eh. Pinagtutulungan ako nila ng mga kasamahan niya. Tapos nu’ng aambahan niya ulit ako, tumakbo po ako sa bahay,” sabi ng suspek, na nagsisisi sa kaniyang ginagawa.

Desidido naman ang biktima na ituloy ang reklamo.

“‘Yung buhay ko, muntik niyang kunin eh. May anak akong dalawa eh. Pagdusahan niya na muna ‘yung Hindi kasalanan niya,” anang biktima.

Nahaharap ang suspek sa reklamong frustrated homicide. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.