The Jerusalem PostIndian national killed, New Zealander injured, after helicopters collide in Mount Everest regionBollywood HungamaRamayana 3 on the cards? Namit Malhotra says makers may revisit plans after audience feedbackPunchAFC postpones 2027 Asian Cup till DecemberDaily MaverickVIDEO: Poll Dancing: Watch Politically Aweh’s elections comedy special before you voteObservador DesportoPense-se o que se pensar, a acampada teve uma grande vitória3DNewsApple установила рекорд по продажам iPhone, несмотря на отсутствие базового iPhone 18ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFWirtualna PolskaPlan obalenia prezydenta przez TK? Myrcha: "Nie widziałem"NOSKamerleden naar Zierikzee voor eerste officiële vergadering buiten Den HaagkickerWattenscheid 09: Aufgeheizte Stimmung vor dem Bochumer DerbySRF NewsKrieg in der Ukraine – Selenski wird laut Merz in Berlin erwartetגיקטייםסלחו על הצרפתית שלי, אבל החוק למיסוי הורדות בצרפת הוא אחד הרעיונות הכי מטומטמים ששמעתי
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 3, 2026

Kagawad, tinangayan ng mahigit P200K halaga ng pera at alahas ng mga armadong lalaki

Translate

Isang barangay kagawad ang natangayan ng mahigit P200,000 halaga ng pera at alahas ng isang grupo ng mga armadong lalaki mula sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Martes, mapanonood ang pagtutok ng baril ng dalawang riding-in-tandem sa biktima pagkahinto sa tapat na kaniyang nakaparadang sasakyan sa bahagi ng San Rafael Street mag- 8 p.m. ng Oktubre 31.

Matapos nito, puwersahan nilang kinuha ang mga gamit ng biktima bago tumakas.

Kagawad ng Barangay 390 ang lalaking na-holdap.

“Ang pagkakaalam ko po, paggayak po sila kagawad, pauwi ng probinsya, papunta po ng Batangas. ‘Yung wallet po niya daw, sir, tsaka ‘yung relos tsaka ‘yung kuwintas,” sabi ni Jesus Ramirez, ex-o ng Barangay 390.

“Nadaanan lang. Base du’n po sa CCTV footage na pinanood po namin,” dagdag ni Ramirez.

Batay sa kuha ng CCTV ilang segundo bago ang insidente ng panghoholdap, isang motorcycle rider ang mapanonood na tila nagsilbing lookout at tiningnan ang biktima, bago sumunod ang dalawang riding-in-tandem.

Nakauniporme pa ng ride hailing app ang mga driver, na nag-U-turn at binalikan ang biktima makaraan lang ang isang minuto.

Patungo sa direksyon ng Ayala Boulevard ang mga salarin habang papatakas.

Sinubukan ng GMA News na makipag-ugnayan sa biktima ngunit tumanggi muna siyang humarap sa camera.

Batay sa inisyal na impormasyon mula mismo sa kagawad, narekober na nila sa bahagi ng Parañaque ang kaniyang wallet kung saan nakalagay ang kaniyang mga ID, debit card at ilang dokumento ng sasakyan.

Patuloy ang pagsasagawa ng follow-up operation ng pulisya para matunton ang mga salarin at mabawi ang iba pang mga gamit ng biktima. —Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.