Pinoy, kabilang sa 100 sugatan sa banggaan ng 2 high-speed train sa Spain

Nasawi ang hindi bababa sa 68 katao matapos magsalpukan ang dalawang high-speed train sa Urda, Spain. Isang Pinoy ang kabilang sa mga sugatan.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing mahigit 100 katao ang nasaktan, batay sa ulat ng Agence France-Presse.
Ayon sa Philippine Embassy sa Spain, nagtamo ang sugatang Pinoy ng minor injury at dinala sa ospital.
Sinabi ng Transport Minister ng Spain na naganap ang insidente matapos payagan ng kompanya ng tren na dumaan sa riles ang isa nilang tren, sa kabila ng active red signal dahil sa isang nakahintong tren.
Nagparating ng kaniyang pakikiramay ang Prime Minister at Hari ng Spain sa mga biktima.
Naapektuhan ang biyahe ng ilang tren at stranded ang maraming pasahero matapos suspindehin ang biyahe patungong Madrid. —Jamil Santos/AOL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.