The Jerusalem PostEisenkot's planned haredi draft law would scrap enlistment quotas, exempt yeshiva students - reportPunch2027: Court adjourns Kano NDC governorship suit to DecemberInquirerQuezon town prohibits entry of outside hogs to prevent ASF spreadBollywood HungamaEXCLUSIVE: Force 3 gets HOTTER! Nora Fatehi joins John Abraham for a sizzling special number; duo reunites after six years ahead of March 19, 2027 releaseDaily MaverickCrypto Corner: Power of stablecoin relies on the money never touching the banksInquirer EntertainmentRayver Cruz, Julie Anne San Jose announce engagementEl ComercioXi, Trump y Putin “van a organizar el futuro del mundo”: lo que revela la histórica cumbre en ChinaVilaWebLa Comissió Europea limita a 191.780 els vehicles híbrids provinents de la Xina fins al juny del 2027Seeking AlphaShoe Station Group misses top-line and bottom-line estimates; updates FY26 outlookBellaNaijaThe Beatz Awards 2026: Soso Soberekon Honoured with Special Recognition Award as May D and Shiiro Light Up 11th EditionIl Fatto QuotidianoSe domani non torno nelle scuole e al cinema: a Roma proiezioni e incontri con gli studenti per la Giornata contro la violenza sulle donnekickerFür Hannovers Källman ist das Sportjahr gelaufen
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 24, 2026

Lalaking sumaklolo sa batang nakagat ng aso, binaril at napatay ang may-ari ng hayop sa Maynila

Translate

Isang lalaki ang nasawi matapos siyang barilin ng kaniyang nakaaway dahil sa aso niya na nakakagat umano ng bata sa Paco, Maynila. Ayon sa pulisya, maaaring self-defense ang nangyari matapos tangkaing saksakin ng biktima ang suspek.

Sa ulat ni James Agustin sa GTV News Balitanghali nitong Martes, mapanonood sa video ang pambubuno ng dalawang lalaki sa 4th Street, Barangay 810 pasado hatinggabi.

Tinatangkang awatin ng barangay tanod ang lalaking may-ari ng aso, at kaalitan nitong lalaki na napatigil lang para tulungan ang batang nakagat umano ng aso.

Hanggang sa dalawang beses nang pinaputukan ng suspek ang biktima at natumba sa daan. Dinala sa ospital ang 36-anyos na biktima pero pumanaw kalaunan.

Ang suspek, iniwan naman ang kaniyang motorsiklo at tumakas.

Bago ang pamamaril, nakunan sa CCTV camera na hinahabol ng aso ang dalawang batang nagbibisikleta sa kalsada.

Natumba kalaunan ang isang bata at bahagya itong nakagat ng aso. Umakyat ang bata sa itaas ng isang nakaparadang kotse.

Doon na dumating ang suspek na nakamotorsiklo para tulungan ang mga bata. Dumating din ang mga tanod, at pinuntahan nila ang biktima na may-ari ng aso.

Sinabi ng barangay tanod na bahagyang nakainom ang may-ari ng aso nang humarap sa kanila.

“Okay na sana ‘yung pag-uusap ganito, ganiyan. Tapos ihahatid ko na sana 'yung dalawang bata rito sa barangay para malunasan 'yung sugat nila. Bigla naman naiwan 'yung dalawa na 'yung suspek at saka 'yung biktima na nagkaroon ng konting pagtatalo at doon na nagsimula 'yung pamamaril,” sabi ni Marvin Cuyugan, tanod ng Brgy. 810.

“Noong umpisa ay nagkaroon muna ng suntukan na napunta sa pamamaril,” dagdag niya.

Lumabas sa imbestigasyon ng Manila Police District na tinangka pa umanong saksakin ng biktima ang suspek, batay na rin sa testimonya ng tanod.

“According doon sa witness natin na isang tanod na nandoon mismo ay nagtangkang saksakin nitong ating biktima itong suspek at nakita nga natin na nabaril niya 'yung biktima,” sabi ni Police Major Philipp Ines, spokesperson ng Manila Police District.

Nagkasa na ng hot pursuit operation ang MPD laban sa suspek na tukoy na ang pagkakilanlan.

“Pagkakaalam natin na meron na rin silang usapan na magulang nitong ating suspek. At ang panawagan natin dito sa suspek na kung maaari voluntary sumuko na siya at 'yung pangyayari naman na ‘yon magagamit niyang depensa ito sa korte. Maaaring itong pumasok don sa principle of self-defense,” sabi ni Ines. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.