The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 9, 2026

Van na may dalang bangkay, tumagilid matapos mabangga ng pickup-up truck sa Aklan

Translate

Nahuli-cam ang salpukan ng isang puting van at isang pick-up truck ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang intersection ng Lezo, Aklan.

Batay sa ulat ng GMA Regional TV na ipinalabas sa GTV News Balitanghali nitong Biyernes, mapanonood na tumagilid ang van matapos na masalpok ng pick-up sa Barangay Bagto nitong Miyerkoles.

Sinabi ng mga awtoridad na pag-aari ng isang punerarya ang utility van na may dalang bangkay, habang sa DENR Region 6 naman ang pick-up.

Dagdag ng mga awtoridad, parehong matulin ang takbo ng dalawang sasakyan na humantong sa banggaan.

Parehong hindi nasaktan ang mga driver ng dalawang sasakyan at nag-usap na ang magkabilang panig.—Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.