Daily MaverickGROUNDUP: Joburg fails to open public swimming pools — againESPN DeportesA 10 años del Chile 7-0 México, ¿qué ha pasado en el futbol mexicano?RTP DesportoFernando Gomes tem "esperança" que situação de Ronaldo seja resolvida "a bem"The Jerusalem PostA dangerous habit: Legislating hatred one step at a time - opinionPunchINEC seeks release of outstanding funds ahead of 2027 pollsESPNMMA divisional rankings: It's not just fight results that shuffle top 10sBollywood HungamaNeil Bhoopalam wants to work with Rajkumar Hirani to explore family-oriented films: “It would be a good shift for me”VanguardDifficult terrain stalls evacuation of victims 24 hours after Ondo plane crashPopular ScienceAmazon is blowing out portable power stations and solar generators during its Prime Big Deal Days saleSportstarIndia vs West Indies LIVE Score, 1st T20I: IND wins the toss and opts to bowl against WIZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFХабрC++ в 2026-м: память, прод, игры, Rust и ИИ — зачем учить язык, который невозможно знать целиком
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 6, 2026

September inflation rate, sumirit sa 7.2%; pinakamabilis mula March 2023

Translate

Sumirit sa 7.2% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Pilipinas nitong nakaraang Setyembre 2026. Dahil dito, naputol ang apat na magkakasunod na buwan nang pagbaba nito, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.

Sa press briefing, iniulat ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na mas mataas ng 1.1% ang inflation rate noong nakaraang buwan kumpara sa 6.1% na naitala nitong Agosto.

Ang inflation rate nitong Setyembre ay katulad noong Abril 2026, at pinakamabilis na pagtaas mula noong Marso 2023 na umabot sa 7.6%.

Dahil dito, umakyat sa 5.4% ang average inflation rate mula Enero hanggang Setyembre 2026, na mas mataas sa comfortable ceiling na target ng gobyerno na 2% hanggang 4%.

“Ang pangunahing dahilan ng mas mataas na antas ng inflation para sa buwan ng Setyembre 2026 kumpara noong buwan ng Agosto 2026 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 6.7% inflation rate,” ani Mapa.

Noong Agosto 2026, nasa 4.6% ang inflation rate ng food and non-alcoholic beverages.

Malaki rin ang naging ambag ng index na ito sa kabuuang pagtaas ng inflation noong Setyembre, na umabot sa 73.4%.

Pangalawang may pinakamalaking ambag sa pagtaas ng inflation ang housing, water, electricity, gas at iba pang fuels, na umakyat sa 8.4% mula 7.9%. Mayroon itong 9.9% na ambag sa kabuuang pagtaas ng inflation.

Tumaas din ang inflation sa transport sector sa 14.6% mula 13.5% noong nakaraang buwan.

Ang food inflation, na sumusukat sa pagbabago ng presyo ng mga pagkaing karaniwang binibili ng mga pamilya, ay umakyat sa 6.8% noong Setyembre mula sa 4.6% noong Agosto.

Ayon sa PSA, dulot ito ng 10.7% annual growth sa presyo ng mga gulay, root crops, saging at legumes noong Setyembre, kumpara sa 3.4% annual decrease noong Agosto 2026.

Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan, na pangunahing nagtulak sa pagtaas ng inflation nitong Setyembre ang pagkaantala sa suplay ng pagkain dahil sa masamang panahon at pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

“These are significant supply-side pressures, but they are being met with targeted interventions to mitigate the impact on households,” ani Balisacan. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.