The Jerusalem PostBenayahu Razi murder: Defense says evidence insufficient for murder charge against Tsarafi, HutaRTP DesportoLiga dos Campeões. FC Porto-PSVESPN DeportesWolves y McDaniels pactan 1 año y $40 millonesDaily MaverickAre we building Gqeberha with the future in mind?ESPNJalen Hurts' blood clot diagnosis explained: What it means for the QBZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioColliderStar Trek Officially Unites Kirk, Picard, Sisko, and More in Massive New Release7sur7Hernandez titulaire, Rodri forfait: les compos du choc PSG-Barça20 MinutenRätsel um Tod von Schweizer (64) im Iran: Verfahren eingestelltSportstarLiverpool vs Villarreal, UEFA Champions League 2026-27 LIVE updates: Gakpo returns for Reds; live commentary, score updatestazNeuer Landtag von Mecklenburg-Vorpommern: Schwerin wählt nach PlanRMF24„Zasłona dymna”. Poseł koalicji rządzącej o sporze wokół TK
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 20, 2026

Super Typhoon Rosal na posibleng kasing-lakas ni Uwan, 'di tatama sa PH pero mararamdaman

Translate

Bagaman hindi magla-land fall sa Pilipinas, inaasahan pa ring mararamdaman sa Huwebes, Oktubre 22, ang epekto ng Super Typhoon Rosal (international name: Champi), na posibleng maging kasinglakas ng Super Typhoon Uwan noong 2025, ayon sa PAGASA nitong Martes.

Sa ulat ni Ian Cruz sa “24 Oras,” sinabi ng state weather bureau na inaasahang tatahakin ni Rosal ang hilagang-silangang bahagi ng Luzon, partikular ang mga isla ng Batanes, sa Huwebes sa bilis na 25 kilometro kada oras.

“Maaaring maapektuhan itong mga northernmost islands ng Batanes group of islands. Maaaring pinaka-highest storm wind signal na maaaring i-raise ay Signal No. 3,” sabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando.

“Sa hangin, in-expect natin na malakas dahil super typhoon ito. Signal No. 3, meaning more than 100 km/h, of course, kung tingnan natin ang satellite image kanina, malawak din ang sinasakupang cloud bands nito, kaya ine-expect natin na malakas ang pag-ulan,” dagdag niya.

Ang Super Typhoon Rosal ang ika-18 bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong 2026.

Ayon sa PAGASA, posibleng maging kasinglakas ni Uwan si Rosal. Nag-landfall si Uwan sa Aurora noong Nobyembre 2025, na nagdulot ng malalaking alon at matinding pinsala dahil sa storm surge.

Inaasahan ding magdudulot si Rosal ng alon na may taas na 1.5 hanggang 2.8 metro sa silangang baybayin ng bansa. Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang paglalayag kapag mapanganib ang kondisyon ng dagat.

“Iwasan ang paglalayag kung mapanganib ang kundisyon ng dagat at lalong-lalo na sundin ang mga abiso at instructions ng ating mga local government units at disaster risk reduction offices,” payo ni Servando.

“Puwedeng magkaroon pa rin ng mga pag-ulan dito sa atin sa Metro Manila, pero ‘yung para mag-raise tayo ng heavy rainfall warning sa ngayon, sir, siguro medyo hindi, pero magkakaroon pa rin ng pag-ulan,” ayon kay Samuel Duran, Assistant Weather Services Chief ng Weather Division ng PAGASA.

Sa kabila ng umiiral na Super El Niño, posibleng magkaroon pa ng hanggang tatlong bagyo sa bansa bago matapos ang 2026.

Ayon kay Assistant Weather Services Chief Ana Liza Solis, ipinakikita ng historical data na mas maraming bagyo ang umaabot sa kategoryang super typhoon tuwing Oktubre sa panahon ng El Niño, mahina man, katamtaman, malakas, o napakalakas ang kondisyon nito.

“Nakikita natin na may mga recurving pa rin na mga bagyo, so ‘yun din po isa sa mga characteristics ng mga bagyo kapag merong El Niño—’yung preferred tracks niya may possibility na nagbabago” ani Solis.—Lyjah Tiffany Bonzo/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.