ESPN DeportesDuelo de jóvenes superestrellas: ¿Qué aportan Chourio y Caminero a la Serie Mundial 2026?ESPNCarrick unsure on future amid Man United pressurePunchFG releases N38.93bn to upgrade 166 tertiary institutionsThe Jerusalem PostAsher Grunis steps down from leading Submarine Affair commission due to health concernsCBS News10/25: Face The Nation20 Minuten«Knallte wie eine Explosion»: Fenster zerschmettert neben RestiZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFMyJoyOnlineBright Simons proposes $13m civil service AI assistant as alternative to Ghana’s $270m GhanaChat planComplete Sports2026 U-17 WWC: Flamingos To Face Mexico In Round Of 16ANSA SportRugby: Italia in raduno a Padova, tante le assenze per QuesadaBBC News BrasilVoto no exterior: veja os resultados por país e a apuração de Lula x Flávio no 2º turno das eleições 2026ColliderTreasure Island: 20 Years of Friendship Made Cruelty Harder | Set Stories
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, October 25, 2026

BI, nagbabala laban sa mga alok na trabaho sa Russia; Pinoy na patungong Russia, hinarang

Translate

Nagbabala nitong Linggo ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga kahina-hinalang alok na trabaho sa ibang bansa na may kaugnayan sa Russia. Ginawa ang babala matapos harangin ang isang Pilipino na umano'y ni-recruit para sa trabahong may kinalaman sa seguridad.

Hinarang ang 50-anyos na Pilipino sa Mactan-Cebu International Airport noong Oktubre 10 habang sinusubukan niyang bumiyahe patungong Vietnam pero sa Russia umano ang tunay na destinasyon.

Ayon sa BI, inamin ng lalaki na Russia ang kaniyang destinasyon para magtrabaho at na-recruit siya bilang K9 handler o tagapangasiwa ng mga asong ginagamit sa operasyon.

Sinabi niyang nakipag-ugnayan sa kaniya ang recruiter sa pamamagitan ng WhatsApp bago inayos ang kaniyang mga dokumento para makabiyahe.

Iniulat na inalok ang lalaki ng buwanang sahod na US$3,500 nang walang paunang bayarin. Gayunman, inutusan siyang magpanggap na turista upang itago ang tunay niyang pakay na magtrabaho sa ibang bansa, ayon pa sa BI.

Hinimok ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang publiko na mag-ingat sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa, lalo na kung hinihiling ng mga recruiter sa mga aplikante na magsinungaling tungkol sa layunin ng kanilang paglalakbay o itago sa mga awtoridad sa imigrasyon ang kanilang plano.

“Human trafficking can begin with what appears to be a legitimate job opportunity. Filipinos must remain alert to deceptive recruitment tactics and seek assistance from the proper authorities when an offer raises suspicion,” sabi ni Viado.

Pinayuhan ng BI ang mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na beripikahin ang mga alok na trabaho sa Department of Migrant Workers (DMW) at tiyaking kumpleto ang mga kinakailangang dokumento at pahintulot sa pagtatrabaho bago umalis ng bansa.

Kamakailan lang, iniulat na may isang Pinoy umano na nakikipaglaban para sa Russia na nasawi sa isinagawang operasyon ng Ukraine. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.