Magkaangkas sa motor, patay nang sumemplang at sumalpok sa puno
_2026_09_24_14_50_25.jpg)
Isang motorcycle rider at kaniyang angkas ang nasawi matapos silang sumemplang at sumalpok sa puno sa Antipolo, Rizal.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood sa isang video na sumemplang ang motor bago bumangga sa puno.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagmula sa Antipolo proper ang dalawa at tinatahak ang kahabaan ng Sumulong Highway nang maganap ang insidente.
Dead on the spot ang dalawang sakay ng motor.
Patuloy na inaalam ang ugat ng aksidente. — Jamil Santos/VBL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.