The Jerusalem PostIDF launches historic 'Pioneers' program to deploy 220 military academy trainees in Jordan ValleyDaily MaverickAFTER THE BELL: Reunert gets clear signal from frontier of global radar marketInquirerA 6-hour trek to deliver aid, hope to Bukidnon Lumad pupilsBusiness AMBelgië en drie andere Europese landen trekken 622 miljoen dollar uit om F-16-vliegtuigen van Oekraïne operationeel te houdenESPN DeportesPulisic marca el tercero del Milan ante el Olympiacos de la HormigaSRF NewsKrieg in der Ukraine – Nach Angriffen: Tote und Verletzte auf beiden SeitenStraits Times SportBesiktas v Hapoel Beer-Sheva suspended after police enter standsسكاي نيوز عربيةإيطاليا تبدأ تطبيق حظر النقاب داخل المدارسWirtualna PolskaZarzuty dla pięciu osób. W tle skandal z Ogrodem Botanicznym PANBBC News BrasilMuitas tarefas inacabadas? 5 medidas simples que podem ajudarZDF heuteTanker vor Ibiza gekentert - ein Toter01netLa Huawei Watch GT 6 Pro, une montre performante qui claque… et un prix qui fond de 49% 🔥
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, November 26, 2026

Bagong pinuno ng LTO, itinuloy ang pagpapalabas ng SCO, pagsuspinde sa lisensiya ng mga 'pasaway' na motorista

Translate

Tuloy ang paglalabas ng Show Cause Order (SCO) ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng bagong liderato ni Assistant Secretary Noreen Bernadette San Luis. Kasama sa mga unang nasampolan ang isang pickup driver na nasangkot sa road rage incident sa Pasig na nagpakilala pa umanong kawani ng LTO.

Sa inilabas na pahayag ng LTO nitong Huwebes, pinagpapaliwanag ang driver ng isang pickup truck na nasangkot sa viral road rage incident at nakasagutan ang isang motorcycle rider sa Pasig City.

Ayon sa LTO, batay sa salaysay ng rider, nagsimula ang insidente dahil sa paglilipat ng linya sa kalsada na ginagawa. Kahit limitado umano ang espasyo, mag-overtake raw ang driver at nag-counterflow sa kabilang linya na salungat sa daloy ng trapiko.

Nagalit din umano ang driver nang paalalahan ito ng rider na sumunod sa batas-trapiko. Ginitgit din umano ng pickup ang motorsiklo ng rider, at nagpakilala umano ng driver na kawani ng LTO.

Inatasan ng LTO ang driver na pickup na pumunta sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Disyembre 3, 2026, kaugnay sa isasagawang imbestigasyon.

Inatasan din siyang isuko ang kaniyang driver's license na isasailalim sa 90-day preventive suspension. Habang isasailalim sa alarm status ang kaniyang pickup truck.

“Dadaan sa tamang proseso ang kasong ito, pero malinaw ang paninindigan ng LTO na hindi katanggap-tanggap ang road rage at anumang uri ng agresibong pagmamaneho. Bilang lisensyadong driver, tungkulin nating sumunod sa batas-trapiko at igalang ang kapwa motorista, at kung mapatunayang empleyado ng LTO ang driver, pananagutin din siya ng ahensya," saad ni San Luis sa pahayag.

Samantala, naglabas din ng SCO ang LTO laban sa driver at rehistradong may-ari ng sasakyang humarang umano sa isang rumerespondeng truck ng bumbero sa Sta. Mesa, Manila.

Pinapaharap din siya sa tanggapan ng IID sa Disyembre 3 upang magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at paliwanag, kalakip ang mga dokumentong susuporta sa kanilang panig, kaugnay ng paglabag sa batas trapiko na Obstruction of Traffic.

Inatasan din siyang isuko ang kaniyang lisensiya sa pagmamaneho.

“Hindi dapat maging dahilan ang katigasan ng ulo ng isang motorista para maantala ang pagligtas sa mga taong nangangailangan. Ang pagharang sa fire truck ay seryosong paglabag na hindi natin kukunsintihin. Sa LTO, pananagutin natin ang mga drayber na inuuna ang sariling kagustuhan kaysa kaligtasan ng publiko,” sabi ni San Luis sa hiwalay na pahayag.

Nanumpa si San Luis bilang bagong pinuno ng LTO noong Miyerkoles, kapalit ni Markus Lacanilao, na itinalaga naman bilang Officer in Charge ng Maritime Industry Authority (MARINA).-- FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.