ESPNGame Day Kickoff: Epic QB showcase in StarkvilleESPN DeportesPrimer vistazo a los enfrentamientos de las Series DivisionalesThe Jerusalem PostShmini Atzeret haftarah: The Temple Mount is no longer silentRTP DesportoSeleção portuguesa a norte prepara-se para a receção de domingo à NoruegaDaily MaverickSAPS IN CRISIS: 800 dockets for one detective, undermined forensic services — Auditor-General’s critical SAPS findingsPunchJigawa NYSC coordinator warns corps members against cultismInquirer8 arrested for alleged illegal fuel trading in TarlacBollywood HungamaEXCLUSIVE: BIG BREAKTHROUGH for Salman Khan’s Maatrubhumi as it gets government clearance; revised film shows India-China ties in a positive lightZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFThe RegisterCalifornian accused of shipping $300M worth of Nvidia chips to China without Uncle Sam’s approvalVanguard2027: Results transmission, violence, intimidation, security collusion top risks, say stakeholdersBillboardBehind Music Companies’ Stock Market Stumble: ‘They Are Caught in Crosswinds’
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 2, 2026

3 Pinay na magbabakasyon daw sa Vietnam, posibleng biktima ng trafficking para magtrabaho sa Cambodia

Translate

Tatlong babaeng pasahero ang hindi pinayagang makaalis sa NAIA Terminal 1 dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking. Nagdeklara silang magbabakasyon sa Vietnam pero may indikasyon na sa Cambodia talaga ang destinasyon nila para magtrabaho.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na nangyari ang insidente noong Setyembre 25. Una umanong nagpahayag ang mga pasahero na patungo sila sa Vietnam. Ngunit natuklasan ng mga awtoridad na batay sa kanilang E-class Cambodian visa, sa Phnom Penh, Cambodia ang tunay nilang destinasyon.

Nagpakilala rin ang tatlo na magkakaibigan pero hindi umano pagkakatugma sa kanilang mga plano sa biyahe nang tanungin ng mga awtoridad.

Natuklasan din ng mga opisyal ang mga kahina-hinalang dokumento na umano'y binago, kabilang ang mga bank certificate, dokumento ng trabaho at mga rekord ng pagpaparehistro ng negosyo, ayon sa BI.

“I-Probes said these circumstances led officers to suspect that the passengers may have been recruited for employment in Cambodia, where Filipinos have previously been rescued from trafficking and illegal recruitment schemes linked to online scam operations,” saad sa pahayag ng BI.

Inilipat sa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang tatlo para sa karagdagang imbestigasyon, pagbibigay ng tulong at posibleng pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga local recruiter nila.

Pinaalalahanan ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na mag-ingat sa mga alok na trabaho sa abroad. Lalo na umano kung nangangako ang mga ito ng hindi pangkaraniwang na mataas na sahod o hindi malinaw ang mga kondisyon ng pagtatrabaho.

“Do not be easily lured by promises of high-paying jobs abroad, especially when the circumstances surrounding the offer are unclear,” paalala ni Viado.

“There is a risk that you could end up like other Filipinos who have fallen victim to trafficking syndicates and suffered abusive working conditions,” dagdag niya.

Pinaalalahanan din ng BI ang mga Pilipino na laging magsabi ng totoo sa panahon ng immigration inspection at tiyaking tunay, kumpleto at tugma sa idineklarang layunin ng biyahe ang kanilang mga dokumento sa paglalakbay at pagtatrabaho.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.