The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, November 13, 2026

US Sec. of War Hegseth at mga kasama, sinita ng bantay sa libingan ng mga sundalo dahil maingay; bantay, binigyan ni Hegseth ng medal

Translate

Dahil sa malakas na tawanan sa Tomb of the Unknown Soldier, pasigaw na sinita ng isang sundalong bantay ang Secretary of War ng Amerika na si Pete Hegseth at grupo nito nang bumisita sa nasabing libingan sa Virginia, USA. Ang nanita at sumigaw na bantay, ipinatawag ni Hegseth hindi para pagalitan kung hindi para bigyan ng medalya dahil sa pagtupad sa tungkulin.

Sa viral video ng insidente, makikita si Hegseth at kaniyang grupo na nagpapakuha ng larawan sa naturang libingan ng mga sundalo sa Arlington National Cemetery, kasabay ng paggunita sa Veterans Day noong Miyerkoles.

Bantay nang sandaling iyon ang US Army sentinel na kinilalang si Specialist Thomas Iglesias, na biglang tumigil sa kaniyang pagmamartsa nang madinig ang tawanan at malakas na pag-uusap nang grupo ni Hegset. Pasigaw niyang ipinaalala ang patakaran sa mga bumisita sa libingan.

"All visitors will maintain an atmosphere of silence and respect at all times!," sigaw ng bantay sa viral video, at makikita pa si Hegseth na napalingon sa bantay dahil sa lakas ng sigaw.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng Pentagon na pinagkalooban ni Hegseth si Iglesias ng Joint Service Commendation Medal, "for the execution of his duties at the Tomb of the Unknown Soldier".

"We love soldiers. We love standards," saad ni Hegseth sa social media post na makikita ang paglalagay niya ng medalya kay Iglesias. "Well done, specialist." – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.