Daily MaverickWHAT’S COOKING: Roast butternut soup with roasted garlic, spices and orange zestThe Jerusalem PostIsrael 'in the dark' over flydubai terror hijacker investigation as Mossad probes link to IranPunchAt 70, Alake has made Ekiti proud — OyebanjiBollywood HungamaEggoz onboards Boman Irani as brand ambassadorInquirerGroup hits ‘veiled threats’ to journalists in Sara Duterte’s trialZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFUOLTécnico de jiu-jítsu Bruno Formiga é acusado de assédio sexual e estupro por alunas no RJColliderThis Horror Legend's Biggest Bomb Got Better With Its Unrated VersionObservador DesportoHomem aterra avioneta em Serpa e sai de táxiFootball ItaliaLazio linked with move for ex Man Utd and Crystal Palace winger ZahaABC NewsSeeing threats to religious liberty, Alito calls same-sex marriage a 'decisive' turnCNN بالعربيةبرفقة والديها وسروال جينز.. هل تتعمد عارضة أزياء هندية لفت الأنظار في باريس؟
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 6, 2026

Sara Duterte, itinanggi ang mga paratang ni Gracioso; magsusumite ng affidavit sa Huwebes

Translate

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte nitong Martes ang mga paratang ng dating Police Patrolman na si Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid umano ito sa kaniya ng mga maleta na may lamang pera.

“Mariin kong tinatanggi ang mga pahayag ni Rodulfo Mondigo Gracioso Jr. sa kaniyang sinumpaang salaysay at mga panayam sa media na inuugnay ako sa mga pangyayaring hindi ko ginawa, hindi ko nalalaman, o hindi ko personal na naranasan,” sabi ni Duterte sa isang punong balitaan.

Binasa ni Duterte ang kaniyang affidavit bilang tugon sa mga paratang ni Gracioso, na sinabi niyang isusumite ng kaniyang kampo sa mga awtoridad sa Huwebes, Oktubre 8.

Kung maaalala, nauna nang sinabi ni Gracioso na naghatid siya ng pera sa bise presidente, kay Davao City 1st District Representative Paolo "Pulong" Duterte, at dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Velasco na “no basis” ang mga paratang laban sa kaniya.

Sa gitna ng mga larawang ipinakita ni Gracioso kasama ang bise presidente, sinabi ni Duterte na hindi direktang nakakapunta si Gracioso sa kaniya dahil sa seguridad ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon sa kaniya, ang PSG ang nagsilbing security personnel niya mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2022.

“Hindi kailanman nangyari na ako ay sinundo ni Gracioso sa isang private hangar sa Pasay, sumakay sa isang Ford Savanna White na artista van at hinatid sa Diamond Hotel,” sabi niya.

“Alinsunod sa kanilang security protocols, ang aking mga biyahe sa eroplano noong 2016 hanggang 2022 ay inaayos ng PSG sa Kalayaan Lounge o sa airport terminal,” dagdag niya.

Sinabi niya na wala rin siyang ganoong van.

Bukod dito, sinabi ni Duterte na walang rekord sa Diamond Hotel na bumisita siya roon.

“Higit sa lahat, walang dahilan upang kausapin at pasalamatan ko si Gracioso sapagkat nakakausap ko naman nang direkta si Wen at Lord,” sabi niya, na tumutukoy kay Velasco at sa asawa nito.

Itinanggi rin ni Duterte na paborito niya ang Royce Chocolate. Sinabi pa ni Duterte na bihira siyang kumain ng matatamis dahil may diabetes siya.

Samantala, itinanggi ni Duterte na personal aide niya ang dating chief information officer ng Davao City na si Jefry Tupas, na sinabi ni Gracioso na tumanggap ng pera para sa kaniya.

“Hindi ko katiwala, assistant, or personal staff si Tupas. Naniniwala ako na kaya si Tupas ang pinili ni Gracioso na isali sa kasinungalingan ay dahil akala ni Gracioso na si Tupas ay isang sunod-sunuran o lackey na bakla dahil nakikita niya na magkaibigan kami at uma-attend siya sa mga events ko,” sabi niya.

Sinabi rin niya na naniniwala siyang pinuntirya ni Gracioso si Tupas dahil sa homophobia.

Itinanggi rin ni Duterte na nagmamay-ari siya ng Hermes bag o Patek Philippe watch.

Sa pagtanggi sa mga paratang ni Gracioso, nagpakita rin si Duterte ng mga larawan mula sa kaniyang mga ginawa. Sinabi ni Duterte na nasa mga sumusunod siyang lokasyon sa mga nakasaad na petsa:

  • Abril 14, 2019 - kaarawan ng kaniyang ina sa Davao City
  • Abril 15 2019 - mga rally sa Mati City at Tagum City
  • Abril 16 2019 - rally sa Digos City
  • Abril 17 2019 - rally sa Koronadal City at Tacurong City
  • Abril 18 2019 hanggang Abril 20 2019 - Island Buenavista
  • Abril 21 2019 - Easter Egg Hunt sa Davao City
  • Abril 22 2019 - Lungsod ng Cotabato at lungsod ng Kidapawan
  • Abril 23 2019 - Malaybalay City at Valencia City
  • Abril 24 2019 - Puerto Princesa
  • Abril 25 2019 - Bongao, Tawi-Tawi at Jolo, Sulu

Bukod dito, ipinunto pa ni Duterte na walang receiving area ang kaniyang bahay.

“Tungkol sa pagpunta sa bahay namin, ang sabi niya, kumain at uminom sa receiving area. Ang bahay namin noon ay masikip at makitid kaya’t wala itong receiving area. Isiningit lang kasi ito sa dating garahe ng bahay ng nanay ko,” sabi niya.

“Ang ibig sabihin lamang nito ay hindi nakapunta si Gracioso sa bahay namin dahil hindi niya alam kung anong hitsura ng bahay namin,” dagdag niya.

Itinanggi ni Duterte na nakatanggap siya ng mga sasakyan at mayroon siyang aide na nagngangalang “Kuya Tony.”

Itinanggi rin niya na kilala niya si Ramil Madriaga, na nagpakilalang dating aide at bagman ni Duterte.

“Kung kunwaring totoo ang maleta na may P20 million na binigay kay Ramil Madriaga, sa bahay ko pa mismo, nakakapagtaka na hindi ito binanggit ni Madriaga,” sabi niya.

Itinanggi rin ni Duterte ang paratang ni Gracioso na pera mula kay Velasco ang ipinambili ng motorsiklo. Sinabi niyang binili niya ang motorsiklo noong Disyembre 2017.

Pakikipagkita sa mga Velasco

Sinabi ni Duterte na naniniwala siyang isa si Gracioso sa mga aide na inatasan ni Rowena, asawa ni Velasco, para pigilan ito sa pambababae.

“Paliwanag ni Lord, ang grupo ng mga lalaki ay ‘padala’ ni Wen na mga tagabantay upang mag-report sa kaniya kung si Lord ay nambababae,” sabi niya.

“Ayon sa mga larawan ay naniniwala ako na si Gracioso ay isa sa mga taong tinutukoy ni Lord noon na tagabantay sa kaniyang pambababae,” dagdag niya.

Ayon kay Duterte, nakilala niya sina Velasco at Rowena noong panahon ng panunungkulan ng kaniyang ama, ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, ipinakilala ni Rowena ang kaniyang sarili bilang isang negosyanteng malapit kay Ramon Ang. Ipinakilala rin niya ang kaniyang asawa, na noo’y isang pulitiko sa Marinduque. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.