The Jerusalem PostHaredi parties, Yashar, coalition bloc lose seats in Knesset, as Otzma Yehudit gains one - pollESPNMLB insiders predict the playoffs: Bold takes, dangerous teams and breakout starsCNN TürkMansur Yavaş'ın istifa süreci: Kırılma noktası 9 Eylül'deki görüşme olduPunch2027: Moghalu rejects Atiku campaign appointmentInquirerSibuyan residents file complaint vs council over mining projectESPN DeportesPorter jugará para Steelers en 2026, fecha inciertaBollywood HungamaEXCLUSIVE: CBFC censors 7 seconds of frontal nudity visuals in Robert Pattinson-starrer PrimetimeObservador DesportoÓculos espiões e livros por IA: o fim da privacidade?SözcüHerkesin burun kıvırdığı işi yaparak ayda 345 bin lira kazanıyorUOLMacron enviará militares e sistemas de defesa para a Arábia SauditaVariety‘Unabomber’ Review: A Portrait of the Terrorist as a Young Man, Given a Hokey TV-Movie Glossالنهارفوكوياما يعود ليصحح التاريخ: من "نهاية التاريخ" إلى "مملكة الإنسان الأخير" ... هل كان الملل هو من أيقظ الوحوش؟
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, September 25, 2026

Lalaki, buwis-buhay na niligtas ang mag-iinang kapitbahay na inanod ng baha sa QC

Translate

Isinakripisyo ng isang lalaki ang sariling buhay para sagipin ang isang mag-iinang kapitbahay na inanod ng baha sa Quezon City.

Ang lalaki, nalunod sa creek.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, kinilala ang 41-anyos na lalaki na si Jerland Enriquez, na natagpuan ng mga atoridad ang mga labi sa San Francisco River sa Barangay Damayan, Quezon City Huwebes ng umaga.

Batay sa mga taga-barangay, nakakita ang bangkay ng biktima ng isang residente na nakatira sa tabing ilog.

“Ito naman kaagad po ay nirespondehan ng ating mga BPSO at nu’ng nalaman po nila, na-validate po nila na ito ay isang tao nga at agad-agad naman po silang humingi ng tulong sa ating kapulisan at sa ating BDRRM ng Quezon City,” sabi ni Kapitana Floride Casaje ng Barangay Damayan.

Mahigit tatlong araw nang hinahanap ng mga kaanak si Enriquez matapos malunod sa isang creek sa Barangay Unang Sigaw noong Linggo ng gabi, sa kasagsagan ng ulan.

Bago ang insidente, sinagip pa ni Enriquez ang kaniyang mga kapitbahay na nakita niyang nalulunod.

Parang binaha po 'yung kaniyang bahay na tinitirahan. So doon sa pagbahang ‘yun medyo nakita niya na may dalawang bata na naaanod po ng tubig kaya naman kaniyang sinagip. Actually tatlo po sila, dalawang bata at isang babae,” sabi ni Casaje.

Nahanap ng GMA News ang mag-iinang sinagip ni Enriquez.

Trauma ang inabot ni Jean Rose Reyes, habang may mga galos naman sa katawan ang dalawa niyang anak.

Itinuturing nila ngayong bayani si Enriquez na ilang taon na nilang kapitbahay.

“Sobrang salamat kuya Jerland. Kung naririnig mo kami ngayon, lahat kami dito. Nami-miss ka namin. Hindi ko alam paano masasabi 'yung salamat pero salamat talaga. Sinacrifice mo 'yung sarili mo, maligtas mo lang kami dito,” sabi ni Reyes.

Sinabi ni Reyes nang pasukin ng tubig ang kanilang bahay, agad na may nabaling kahoy. Hanggang sa unti-unti nang bumigay ang bahay at inanod sa creek. Wala rin silang naisalbang mga gamit.

“‘Yung ibang bahay, pa-ganu’n 'yung bagsak niya 'yung iba naman sa amin. Tapos habang nalulunod po kami, nakukuryente kami, hindi ko nga po alam nu’n kung mabubuhay kami. That time, wala na akong hangin na nakukuha eh. Nakakainom na rin ako ng tubig eh. Nu’ng nakuha na 'yung dalawang anak ko, nakasabit pa po ako sa balete,” sabi ni Reyes.

Nahihirapan ngayon ang mga naulila na tanggapin ang sinapit ni Enriquez, na tubong Nueve Ecija. Napadpad siya Metro Manila para makipagsapalaran sa trabaho bilang kargador ng mga prutas.

“Sir, masyado pong masakit sa pamilya namatay 'yung kapatid namin. Umiiyak po sila, ‘yung anak. Sobrang lungkot po ang nangyari sa aming lahat,” sabi ni Alexander Enriquez, kapatid ng biktima.

Sa kabila ng pagdadalamhati ng mga kaanak, hindi matatawaran ang sakripisyo at pagmamalasakit na ipinamalas ni Enriquez sa kaniyang kapwa.

“Sir mabait po talaga ‘yang kapatid ko na ‘yan. Matulungin po talaga ‘yan,” sabi pa ni Alexander Enriquez. —Jamil Santos/ VAL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.