The Jerusalem PostUAE joins Israeli-led UN antisemitism task force as envoys draft UN reform planInquirerCalapan City opposes mineral reservation planPunchUK council approves 3am finish for Fury-Joshua fightInquirer Entertainment‘Miss Universe East’ disputes Costa Rica’s 2027 hosting announcementBollywood HungamaMannara Chopra, Nyrraa M Banerji and Aman Gandhi to feature in Urvashi Dholakia-hosted matchmaking show It's A Meal; deets inside!ZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioDaily MaverickWatch – Jensen Huang’s Return Puts NVIDIA Back in FocusComplete SportsFury Vs Joshua Mega-Fight Gets Official Go-Ahead After Late-Night Curfew RowESPN CricinfoPSL 2027: United select Henry, Gladiators grab Ferguson as marquee picks20 MinutenStändig «halbkrank»? In Schweizer Praxen häufen sich die FälleThe South AfricanWEATHER TOMORROW: Extreme heat to hit three provinces as temperatures reach 36°CDigital SpyWhere to buy Alex Jones's outfits as seen on The One Show and more
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, November 25, 2026

Ekonomista: Pagbabayad ng buwis, 'ambag' na ng mga Pinoy para mabayaran ang utang ng bansa

Translate

Sa harap ng mungkahing ambagan ng mga Pinoy para mabayaran ang napakalaking utang ng bansa, inihayag ng isang ekonomista na ang pagbabayad ng buwis ang isang paraan na ng “ambag” ng mga Pilipino upang makatulong sa pagbabayad ng utang ng bansa.

“Kasi nag-ambagan na ang buong mamamayan tuwing nagbabayad tayo ng buwis. Ambag na natin iyon para sa pamahalaan,” sabi ng ekonomistang si Professor Emmanuel Leyco sa kaniyang guesting sa Unang Hirit nitong Miyerkoles.

“Ngayon kung meron namang mga generous, maganda ang loob at maluwag ang kanilang mga bulsa, puwede naman ‘yun,” dagdag niya, patungkol sa P170,000 na sinasabing halaga ng utang ng bawat Pilipino na puwedeng bayaran.

Gayunman, ipinunto ni Leyco na walang mekanismo para sa naturang layunin, kundi ang pagbabayad lamang ng buwis o pagdo-donate sa gobyerno.

“With due respect to the senator mukhang walang mekanismo para diyan. Ang nakikita ko lang diyan magbayad ka ng taxes nang sobra. At huwag ka nang mangolekta ng credit sa gobyerno,” sabi niya.

Matatandaang binanggit ni Senador Alan Peter Cayetano na dapat payagan ang mga Pilipino na boluntaryong mag-ambag ng P170,000 bawat isa, para mabayaran ang P19.66-trillion na utang ng bansa.

Ginawang halimbawa ng senador ang ginawa noon ng mga Korean na nag-ambagan para mabayaran ng kanilang bansa ang utang. Subalit sinabi ni Leyco na iba ang sitwasyon ng mga Korean sa mga Pinoy dahil mas malaking bansa ang Korea at malalaki ang sahod ng mga mamamayan nila, kumpara sa mga Pnoy.

Iminungkahi din ni Cayetano ang pagtatatag ng isang mekanismo kung saan maaaring mag-ambag ang mga Pilipinong nais tumulong sa pagbabayad ng utang ng pamahalaan.

Gayunman, nilinaw ni Cayetano na hindi niya iminumungkahi ang pagpapataw ng karagdagang pasaning pinansyal sa publiko. Hindi rin niya hinihiling sa mga Pilipino na akuin ang responsibilidad ng pamahalaan sa pagbabayad ng mga utang ng gobyerno.

Ibinase ang P170,000 sa bilang ng populasyon ng bansa.

Ngunit para kay Leyco, malabong mag-ambag ng naturang halaga ang karaniwang manggawa dahil kumikita lamang ito minimum wage na papatak sa P190,000 kada taon.

Kaya lumalabas na halos wala nang matitira pa sa karaniwang manggagawa kapag isinama pa sila sa “ambagan.”

Ipinunto pa ni Leyco na hindi personal na utang ang P170,000, kundi maikukumpara sa kinikita ng buong ekonomiya ng Pilipinas o ang tinatawag na Gross Domestic Product.

“So kung ang utang natin ay ganiyan na kalaki at nandito na sa mga 66.7%, malaki na ‘yun. Kumbaga paano ka mabubuhay na puro utang ang ginagastos mo, ang hinuhugot mo. Kasi darating din ‘yung panahon na magkukulang na rin 'yung inutang mo at mangungutang ka pambayad ng utang,” paliwanag niya. Tunghayan sa video ang buong talakayan.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.