Lalaki, patay barilin sa loob ng tricycle habang kasama ang asawa sa GenSan

Patay sa pamamaril ang isang lalaki na 35-anyos habang sakay ng isang tricycle at kasama pa mismo ang kaniyang asawa sa General Santos City.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng nakaligtas na ginang na pauwi na sila matapos mamalengke nang pagbabarilin ang kaniyang mister sa bahagi ng Barangay Calumpang.
Batay sa hiwalay na ulat mula sa One Mindanao ng GMA Regional TV, naka-pula noon ang traffic light at nakatigil ang tricycle nang lumapit ang salarin at pagbabarilin ang biktima.
Ang driver ng tricycle, tumakbo palayo pero bumalik din kalaunan at sumama sa mga pulis para sa imbestigasyon.
Dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril ang nakita sa crime scene.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.