Rider ng motorsiklo, patay matapos mabangga ng nag-overtake na SUV sa Benguet

Nasawi ang isang 23-anyos na rider nang mabangga ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) ang minamaneho niyang motorsiklo sa La Trinidad, Benguet.
Sa ulat ni Sendee Salvacio sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing dead on arrival sa ospital ang biktima.
Ayon sa pulisya, nag-overtake umano ang SUV at pabalik na sa kaniyang linya nang mabangga niya ang motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang rider at ang motorsiklo nito.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang pamilya ng biktima, pati na ang driver ng SUV, ayon sa ulat. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.