Bollywood HungamaSalman Khan postpones Mumbai event after the death of Khamoshi co-star Nana Patekar: ReportESPNJudge 'just hating every single moment of' watching Yankees' eliminationESPN DeportesXhaka, multado por falsificar certificado covidInquirerProsec: VP Duterte, Carpio after-tax income almost as high as net worthDaily MaverickWho really speaks for white and Afrikaans-speaking South Africans?The Jerusalem PostIsrael Katz orders administrative removal of left-wing activists ahead of West Bank olive harvestBBC BusinessResidents win Curo service charge legal battleWirtualna PolskaDwóch Łotyszy zatrzymanych na Wyspach. Wtargnęli do bazy RAFCBS NewsU.K., Israel both claim a moral win with apparent truce in diplomatic feudTGCOM24 SpettacoloBella Hadid compie 30 anni, la vita della modella in 10 scattiBBC عربيآن كارسون: شاعرة كندية "جريئة ومبتكرة" تفوز بجائزة نوبل في الأدبLa PressePlan en itinérance | 3000 places en halte-chaleur cet hiver à Montréal
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 8, 2026

Culion, Palawan na lugar noon ng mga may 'ketong,' ginawan ng sariling currency o pera

Translate

May mga natatangi at kahanga-hangang sikreto ang bayan ng Culion sa Palawan. Gaya ng pagkakaroon nito ng sariling currency o pera noong ginawa itong “leper colony,” o lugar kung saan dinadala ang mga may leprosy o ketong.

Sa nakaraang episode ng “Biyahe ni Drew,” sinabing matatagpuan sa Culion Museum and Archives sa Barangay Libis ang ilan sa mga sikreto ng bayan.

Ayon kay John “Jano” Fetalino, Culion Public Information Officer, isang dating laboratory ang museum kung saan pinag-aralan noon ang gamot para sa ketong.

Matatandaang dating naging “leper colony” ang bayan ng Culion noong panahon ng mga Amerikano.

Dahil sa sensitibo noon ang sakit na ketong, ginawan ng mga Amerikano ng sariling currency o pera ang Culion na tinatawag na “leper money.”

“So hindi po siya [pera] puwedeng ilabas ng bayan ng Culion. At kung sakaling ilabas po po ng bayan ng Culion, hindi rin po talaga tatanggapin,” paliwanag ni Fetalino.

Ayon pa sa tour guide, ito ang paraan para hindi na kumalat pa ang mikrobyo na maaaring pagmulan ng ketong.

“So bago po nagkaroon ng leper colony ang Culion, Culion was prepared by the Americans at early 1900 at mas napili po ng aming mga Amerikano na mas okay po ang Culion, fit for isolation because separated po kasi siya sa mainland at kumpleto po sa resources,” sabi ni Fetalino.

“Para po sa kaalaman po ng lahat, ang Culion po ay ginawang leper colony during the time at hindi naman po para lahat na nakatira po dito ay patient,” sabi pa niya.

Simbahan na gawa sa corals

Isa ang La Inmaculada Concepcion Parish Church sa naging saksi sa mga kaganapan sa Culion noon.

Itinatag ito bilang simbahan noong 1933.

Ayon kay Fetalino, binubuo ang pader ng simbahan ng 75% live corals.

Sa kabila ng iniidang karamdaman, naipamalas pa rin noon ng mga taga-Culion ang kanilang talento.

“And then kung mapapansin po ninyo sir, ‘yung ceiling po nito, ito ay painted by Mr. Ben Amores. Siya po isang leper patient na kung saan deformities mo 'yung kamay niya at nakatali lang po 'yung paintbrush sa kamay niya,” paliwanag ni Fetalino. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.