Sky TG24Ryanair, ipotesi stop dei voli da e per la Sardegna: cosa sappiamoPunch2027: Nothing wrong with ‘rig and die’ slogan – 2BabaInquirerPolice seize IED, 8 M203 grenades in MasbateBollywood HungamaKareena Kapoor Khan joins Darasing Khurana for UNICEF’s Hindi mental health podcast ‘On My Mind’한겨레낸시랭, 음주운전 혐의 불구속 송치…‘면허취소 수준’ХабрНи дня без 0day: что делать с телефонами, если патча нет месяцамиThe Jerusalem PostIsrael's public deserves explanation on justification of continuing Netanyahu trial - editorialהידעןעש בוגונג האוסטרלי מנווט בעזרת השדה המגנטי של כדור הארץGIGAZINEサンタクロースと無料で話せる公衆電話を南太平洋の小さな島に設置した通信技術者の記録ESPN CricinfoLatham, Blundell fifties gives NZ advantage after hard-fought opening dayPopular ScienceThe 140+ best Black Friday power tool deals include $99 DeWalt and Milwaukee kitsHet Laatste Nieuws🎧 “Een mislukking”: EU-leiders uit elkaar zonder akkoord over begroting. Onze Europakenner analyseert
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, November 27, 2026

You are reading GMA News on KioskNews: newspapers from many countries on one stand, each linked to its original. What other papers report

2 patay, 7 sugatan sa pagsabog at sunog sa Tondo, Maynila

Translate

Dalawa ang patay habang pito ang sugatan matapos magkaroon ng pagsabog na sinundan ng sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa Barangay 5 sa Tondo, Maynila, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ni Manny Vargas ng Super Radyo dzBB, sinabing kinumpirma ni Fire Chief Inspector Demetrio Sablan, hepe ng operations ng Manila Fire Department ang pagkasawi ng dalawang residente sa may Sto. Cristo Street.

Dahi sa lakas ng pagsabog, nasira pati ang pader ng isang katabing bahay na gawa sa konkreto kaya nagkalat ang debris sa naturang bahay na gawa rin sa bato.

Bukod dito, wasak din ang ilan pang mga bahay sa harapang bahagi ng Sto. Cristo Street. Kasama sa tinamaan ng debris ang isang air-conditioning unit na nayupi dahil sa tindi ng pressure.

Kabilang sa pitong sugatan ang mga residente at mga bata, na dinala sa Mary Johnston Hospital.

Nasa maselang kondisyon ang isang pitong buwang gulang na sanggol na tinutugunan na ng mga doktor.

Kasalukuyang nasa lockdown ang lugar dahil sa panganib ng pagguho ng bahay kung saan naganap ang insidente ng pagsabog.

FLASH REPORT: 2, patay at ilan pa ang sugatan sa pagsabog at sunog sa Brgy. 5 sa Tondo, Maynila. | via @VargasMannysen https://t.co/KiUKxqc1Ey

— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 27, 2026

Dumating na ang mga tauhan ng Manila Police District Explosive and Ordnance Division para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon at masiguro na ligtas ang lugar.

Saka naman kikilos ang mga tauhan ng MPD SOCO para magsagawa ng imbestigasyon sa mga nasawing biktima, at ang arson investigators ng Bureau of Fire Protection sa pinangyarihan ng sunog.

Nagkakahalaga ng P50,000 ang mga ari-ariang nawasak sa sunog na nangyari bandang alas 10 a.m.

Batay sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department, idineklara ang first alarm 10:14 ng umaga, Nakontrol ang apoy 10:33 ng umaga at idineklara itong tuluyan nang naapula 10:44 ng umaga. —AOL, GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.