82-anyos na ina, patay sa guspi ng sarili niyang anak sa Sorsogon dahil lang sa 'susi'

Nasawi ang isang 82-anyos na babaeng senior citizen dahil sa pamgbubugbog ng kaniyang sariling anak sa Pilar, Sorsogon.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, isinalaysay mismo ng 46-anyos na suspek na nag-away sila ng kaniyang ina dahil sa hinihingi sa kaniyang susi ng kanilang bahay.
Ilang ulit umano siyang itinulak ng kaniyang ina, kaya gumanti siya ng mga suntok sa mukha at ulo.
Agad namang dinakip ng Pilar Municipal Police ang suspek, na mahaharap sa reklamong parricide. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.