Mag-live in partner, natagpuang patay sa likod ng kanilang bahay sa Quezon

Patay na nang matagpuan sa likod ng kanilang bahay ang isang mag-live in partner sa Tagkawayan Quezon.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, inihayag ng pulisya na nakuryente ang dalawa sa ginagawang water pump o bomba ng tubig sa likod ng kanilang bahay.
Nagsisimula nang maagnas ang bangkay ng dalawa nang madiskubre ng isang residente sa lugar dahil na rin sa masangsang na amoy.
Ini-report nila ang insidente sa barangay, at wala naman nakikitang foul play ang pulisya sa insidente.
Hindi na naglabas ng pahayag ang pamilya ng mag-live in partner, ayon sa ulat. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.