WATCH: 130-kilos na giant grouper, nahuli sa Caluya, Antique

Isang dambuhalang “Pugaro,” o giant grouper ang nahuli ng mga mangingisda sa karagatan ng Caluya, Antique nitong Martes.
Sa ulat ng GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Huwebes, ipinakita ang nahuling dambuhalang isda na halos kasinglaki ng tao.
Nahuli umano ang isda sa karagatang sakop ng Banwa Tambak, Semirara, Caluya.
Ayon sa nag-upload ng video na si Gozar Donna, hindi ito ang unang pagkakataon na may nahuling "pugaro" sa kanilang karagatan.
“Nakatambay lang po kami sa seawall tapos nabalitaan naming na may nakahuli ng grouper na malaki bale vinedeohan ko na lang po,” saad niya. –FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.