ESPN Deportes¿Qué lecciones dejó la Roma vs Real Madrid rumbo al Clásico?Bollywood HungamaNiti Taylor recalls casting couch ordeal with Telugu film director: “You will have to sleep with me for it this time”PunchNPHCDA renovates 3,526 PHCs, targets more functional centresESPNTalking points, Matchday 2: Who's to blame for Man United mess? Chaos bad for Madrid?The Jerusalem PostEurope distinguishes Iranians from Iran. Why not Israelis from Israel? - opinionInquirerNortheasterly winds, ITCZ to bring rains in PH on FridayZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioDaily MaverickMAVERICK MIND QUIZ: Test your general knowledge with the Maverick Mind quizBillboardMalcolm Todd’s ‘Earrings’ Leads Top Gabb Music Songs for Second Month3DNewsMicrosoft научила ИИ предсказывать погоду на шесть недель вперёд — и для этого хватит обычного CPU
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 15, 2026

DSWD Sec. Gatchalian, ipinakita ang paggamit ng water filtration kit para mainom ang 'maduming' tubig

Translate

Muling nag-live demo si DSWD Secretary Rex Gatchalian kung paano gagamitin ang ipamamahagi ng ahensiya na water filtration kit upang mainom ang “maduming” tubig bilang bahagi ng paghahanda sa Super El Niño.

Sa episode ng GMA show na Unang Hirit nitong Huwebes, muling ipinakita ni Gatchalian kung papaano butasan ang balde at ikabit ang water filtration kit para masala ang dumi sa maruming tubig upang puwede itong inumin.

Nauna nang ginawa ng kalihim ang naturang demo sa isang press conference sa Malacañang nitong Miyerkoles.

Kasama si Asec. Leo Quintilla, nilinaw ni Gatchalian na tubig-ulan ang maaaring gamiting tubig para sa water filtration kit.

“Kasi na ‘pag nag-rain seeding, nag-cloud seeding, or umulan, sinabi naman ng PAGASA, hindi dahil sa El Niño, hindi uulan. Kapag umulan, ipunin natin and gamitin natin sa iba't ibang pamamaraan,” saad niya.

Dagdag ni Gatchalian, maaari ring gamitin ang tubig sa ilog, batis, sapa, o bukal.

Paglilinaw niya, huwag nang gamitin pa ang mga tubig na contaminated na.

“Siyempre sabi nga namin, huwag naman 'yung nakita mo na sa kalsada nakatambak 'yung tubig. Hindi na natin alam baka na-contaminate na 'yun. Huwag mo na gamitin 'yun. Let's get stick to kung ano 'yung purpose. Rain catcher siya,” pagdiin niya.

Maaari pang gamitin ang mga tubig na matagal nang nakaimbak, basta wastong natakpan ito at maayos ang pinaglalagyan.

Para maalis ang bakterya ang silbi ng water filtration kit ng DSWD, ayon kay Gatchalian.

“Remember 'yung filter nito, para sa mga bacteria. So 99.9% ng bacteria na nakaka-cause ng amoeba, na 'yung mga sakit ng tiyan, kaya niya matanggal 'yun. Pero huwag naman 'yung nakatiwangwang , tapos virus na 'yung pumasok,” sabi niya.

Nagsisilbing service provider ng water filtration kit ang international NGO na Waves for Water. Ginagamit na rin sa 48 bansa o 3.7 milyon katao ang produkto.

Nasa bodega na ng DSWD mula pa noong 2024, ginagamit na rin ang water filtration kit noong Super Typhoon Tiño sa Batanes, at lindol sa Davao Oriental.

Ginagamit rin ito ng mountain at camping groups.

Mayroon na ring mga itinayong Community Water Depot na may malalaking drum at maraming faucet sa harapan gaya sa Tarlac, Zambales at Bicol.

Paggamit ng water filtration kit

Sa pagbuo ng water filtration kit, bubutasan lamang ang balde gamit ang drill, saka ito kakabitan ng gasket sa magkabilang butas.

Matapos nito, ikabit na ang hose ng water filtration kit.

Pagtiyak pa ni Gatchalian, may certification sa Department of Health na “medical grade” ang equipment, pati water analysis na pumasa ito sa national drinking standards.

Maaaring gamitin ang equipment ng hanggang isang milyong litro, o hanggang limang taon, basta huhugasan lang nang mabuti. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.