The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 15, 2026

NBI, iimbestigahan ang mga host ng 'Machong Chismisan' kaugnay sa mga pahayag nito tungkol kay Josh Aquino

Translate

Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga host ng podcast na “Machong Chismisan” kasunod ng tinanggal na nilang episode na ginawa umanong katatawanan ang anak ni Kris Aquino na si Josh, na mayroong kapansanan.

Sa segment na “Today’s Talk” ng programang “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, ibinahagi ni Abunda ang text message na natanggap niya mula kay NBI Director Melvin Matibag.

Ayon kay Matibag, labis siyang naapektuhan at nalungkot sa ulat ni Abunda tungkol sa isyu na binanggit ng TV host sa kaniyang programa nitong Miyerkules.

Sinabi rin niya kay Abunda na inatasan niya ang NBI Cybercrime Division (CCD) at Special Action Unit (SAU) na imbestigahan ang mga host ng naturang podcast at magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga ito.

"Today, I am directing our CCD and SAU to investigate and file appropriate charges against those who mocked him, in accordance with the law," saad ni Matibag.

"As head of a law enforcement bureau, I cannot turn a blind eye to such acts. It is my legal and moral duty to uphold justice for Josh, his family, and all persons with special needs who deserve respect, dignity, and compassion,” dagdag nito.

The “Machong Chismisan” episode, titled “Ang Pagbabalik ni Kris Aquino,” was published on October 5. During the discussion, the hosts made disparaging remarks about Josh and his disability.

Inilabas ang episode ng “Machong Chismisan” na pinamagatang “Ang Pagbabalik ni Kris Aquino” noong Oktubre 5. Sa kanilang talakayan, nagbitaw ang mga host ng mga salita at komento tungkol kay Josh at sa kapansanan nito.

Kasunod ng matinding batikos, tinanggal ng “Machong Chismisan” ang episode at humingi ng paumanhin. Naglabas din ng kani-kanilang pahayag ang ilan sa mga host, kabilang si Tito P.

Kinondena rin ng mga celebrity, personalidad, mambabatas, at mga grupong nagsusulong ng karapatan ng mga tao ang kontrobersiyal na mga pahayag ng mga host ng podcast.

Nauna nang inanunsiyo ng The Pod Network na pormal na nitong tinapos ang kontrata nito sa podcast na “Machong Chismisan.” Sa oras ng paglalathala ng ulat, hindi na maa-access ang podcast sa Spotify. —Nika Roque/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.