Ilang guro, buwis-buhay na dumadaan sa gilid ng bangin para makarating sa paaralan ng mga estudyanteng katutubo

Sa kabila ng panganib, ilang guro ang dumadaan sa gilid ng bangin para marating ang Glab Integrated School—ang paaralan ng mga katutubong Subanen sa Labangan, Zamboanga del Sur.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing pahirapan para sa mga guro ang pagpaunta sa lugar lalo kapag umuulan dahil madulas at gumuguho ang daan.
Kapag may emergency, wala silang ibang pagpipilian kundi gumamit ng ambulansiyang de-paa.
Sinabi ng school head ng Glab Integrated School na under construction ang main road papasok sa paaralan at naudlot pa ang pagsasaayos nito.
Ayon naman sa barangay, may problema sa dokumento ng proyekto kaya ito natigil. May alternatibong ruta naman pero hindi ito madaanan dahil tila gubat na.
Patuloy na kinukuha ang pahayag ng Labangan LGU. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.