ESPN DeportesEN VIVO: Francia acorrala a Bélgica, pero aun no cae el golESPNHow all eight teams could win the championshipThe Jerusalem PostJewish TV star Adam Brody calls Israeli actions in Gaza ‘genocide’BBC NewsMonday Night Club - Man City reactionDaily MaverickDutch ‘reformed hacker’ arrested in ShinyHunters investigation, police and boss say3DNewsGoogle заменит ИИ-ботов Gem в приложении Gemini на «навыки», но вряд ли это поможет конкуренции с MuseRMF24Władimir Putin podpisał dekret zwiększający liczebność rosyjskiej armiiCBS SportsWill Aaron Judge be on the Wild Card Series roster? Yankees slugger 'making progress,' says Aaron BooneTechCrunchTesla delays Roadster 2 event again due to bad weatherVarietyDisney and Columbia Sportswear Expand Partnership With Mickey Mouse ‘Outdoor Club Collection’: Shop the Full Lineup HereTGCOM24 SpettacoloGli Eiffel 65 riportano la "voglia di dance all night" a PadovaCNN بالعربية"وام": نتنياهو زار الإمارات الأحد وناقش العلاقات الثنائية
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, September 28, 2026

1 babae at 1 lalaki ang 2 Pilipino na nasawi sa bus accident sa Germany na nakabase sa Milan, Italy

Translate

Nakabase sa Milan, Italy ang dalawang turistang Pilipino na nasawi nang maaksidente ang bus na kanilang sinasakyan sa Bavaria na malapit sa Munich, Germany nitong Linggo. Ang isa sa kanila, overseas Filipino worker (OFW) na lalaki, at kasama ang misis niya sa mga sugatan.

Sa ulat ni Mariz Umali sa GMA News 24 Oras nitong Lunes, sinabi ng mga awtoridad na galing sa Milan ang bus na sakay ang mahigit 30 Pilipino, at patungo sa isang beer festival sa Munich.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, batay sa paunang impormasyon, hindi mga Pilipino ang dalawang driver ng bus.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng sakuna, na nagresulta rin ng pagkakasugatan ng 22 pang sakay ng bus na pawang mga Pinoy din.

Sa bilang ng mga sugatan, 19 pa ang nananatili sa ospital.

Isa sa mga nasawi ay nakilalang si Cornelio Rivera Camus Jr., 58-anyos, isang OFW sa Milan. Sugatan naman at nasa ospital pa rin ang kaniyang asawa na si Vangie.

Nakausap ng GMA News ang kanilang anak pero tumanggi muna siyang magbigay ng pahayag sa gitna ng kanilang pinagdadaanan.

Gayunpaman, nakikiusap sila ng tulong pinansiyal dahil sa dami ng kinakaharap nilang problema.

Samantala, isang 27-anyos na Pinay na nakabase rin sa Milan ang isa pang nasawi, batay sa impormasyon na galing sa German police.

Ayon kay Cacdac, nakikipag-ugnayan ang kanilang grupo sa Consul General ng Pilipinas doon upang tulungan ang mga biktima.

Tiniyak ng kalihim na aasikasuhin ang repatriation sa mga labi ng dalawang nasawi, at susubaybayan sa kalagayan at pangangailangan ng mga nasa ospital pa.

Sinabi rin ni Cacdac na tutulungan din ang mga Pinoy na nakaligtas na kailangan ng matutuluyan bago sila bumalik sa Milan.

“Hindi sila gagastos ng kahit isang kusing sa paglagi nila doon until sa pagbalik nila sa Milan,” ayon kay Cacdac. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.