וואלהראש ממשלת סלובקיה: "אירופה קרובה למלחמה יותר מאי פעם"The Jerusalem PostHow naval combat with Hamas after Oct. 7 transformed a low-ranked soldier into an officerESPN DeportesDodgers amarran la División Oeste de la Liga NacionalRTP DesportoBetis, próximo adversário do FC Porto na Champions, vence na receção ao GetafeESPNGM: 'Door open' for Hellebuyck to remain with Jets despite trade demandDaily MaverickDISCIPLINARY DISASTER: Suspended Nelson Mandela Bay city manager paid R6.7m — disciplinary hearing collapsesعالم التقنيةآبل تطوّر نسخة أكبر من iPhone Duo لمنافسة Galaxy Z Fold UltraAitnewsتعزيز المرونة السيبرانية في الشرق الأوسط: من حماية البنية التحتية إلى سيادة البياناتPremium TimesNwabali returns as Chelle names Super Eagles squads for AFCON qualifiers, Russia friendlyynetמשבר בגוש השינוי: איזנקוט מהמר על "המפלגה הגדולה", וחבריו חוששים לאבד מנדטיםVarietyKim Kardashian Taps Olympians Chloe Kim, Jutta Leerdam and More for New NikeSKIMS CampaignIl Sole 24 Ore«Liberi di scegliere è un precedente a livello mondiale». Così bambini e donne fuoriescono dai contesti mafiosi
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, September 17, 2026

Drone, binalak umanong gamitin para itakas ang isang nakakulong na Koreano; pero malabong mangyari 'yan, ayon sa BuCor

Translate

Matapos lumabas ang mga ulat tungkol sa umano’y plano na gumamit ng drone para maitakas ang isang South Korean noong nakakulong ito sa Pilipinas, sinabi naman ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na malabo itong mangyari. At ang naturang pagsasanay sa paglambitin sa drone, minsan palang naitampok sa isang ulat ni Kuya Kim Atienza.

“All our Operating Prison and Penal Farms are no-fly zones, and we have watchtowers manned 24/7 which immediately alert our guards if there will be attempts to escape through drones aside from maingay ang drone at equipped naman ang ating facilities ng mga CCTV, so we can detect it at once,” paliwanag ni Catapang.

Sinabi rin ng opisyal na hindi maaaring magpalipad ng drone malapit sa mga pasilidad ng BuCor na hindi napapansin ng mga tauhan ng bilangguan at mga security system.

Idinagdag niya na may iba't ibang CCTV camera sa buong mga correctional facility upang mamonitor ng mga tauhan ang paligid ng bilangguan.

Kamakailan lang, iniulat ng South Korean media na nagplano umano si Park Wang-yeol na tumakas sa bilangguan, isang buwan bago ang extradition nito noong Marso. Gayunman, iniulat din na hindi natuloy ang plano.

Samantala, sinabi ni Justice Undersecretary Ian Norman Dato na na-extradite na si Park at nasa kustodiya na ngayon ng gobyerno ng South Korea.

Sinabi rin ni Dato na kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na kumpleto sa kagamitan ang BuCor upang maiwasan ang mga ganuong plano.

“The DOJ is confident that our BuCor is fully equipped and prepared to prevent any such eventuality,” saad niya.

Drone video

Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabing may viral video ng isang malaking drone sa Sablayan, Occidental Mindoro, na pinalipad habang may dayuhang turista na nakakapit sa landing skids nito.

Ipinakita ang bahagi ng footage ng isang segment ni Kuya Kim Atienza na ipinalabas noong Marso 18, 2026, at tinalakay ang kakayahan ng mga makabagong drone na bumuhat ng mabibigat na bagay.

Ang naturang video ang itinampok din sa isang ulat ng South Korean media kamakailan na nagsabing isa umano itong pagsasanay para sa posibleng pagtakas ng isang South Korean citizen mula sa isang bilangguan sa Pilipinas.

Nakulong si Park sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City dahil sa pagpatay sa tatlong South Koreans sa bansa noong 2016.

Ayon sa isang source ng South Korean media, binalak umano ni Park na itali ang kaniyang sarili sa isang drone upang makatakas.

Ngunit napigilan umano ang naturang plano matapos na mag-viral ang video ng drone mula sa Sablayan, na naging dahilan upang maalerto ang mga awtoridad isang buwan bago ang nakatakdang extradition ni Park sa South Korea.

Ayon sa Pilipino na kumuha ng video, nagkataon lamang na nakita nilang magkakaibigan ang isang turistang Koreano na nagsasanay habang gamit ang drone. Ayon umano sa turista, kaya ng drone na magbuhat ng hanggang 75 kilo sa ere.

Hindi alam ng kumuha ng video at ng mga staff ng 24 Oras na naghanda ng ulat, ang pagkakakilanlan ng nasabing turista. Pero bisita umano ito ng may-ari ng isang resort at hotel na Korean din.

Pinabulaanan naman ng DOJ ang mga ulat mula sa South Korean media.

Ayon sa Department of Justice, walang naging tangkang pagtakas o ulat tungkol sa naturang insidente. Kinumpirma nitong nakulong si Park sa Pilipinas ngunit wala na siya sa bansa matapos siyang ipasa sa kustodiya ng mga awtoridad ng South Korea noong Marso.

Ayon pa sa source ng South Korean media, nagbayad umano ng anim na milyong won o humigit-kumulang P270,000 ang bilanggo kapalit ng mga pribilehiyo gaya ng paggamit ng air-conditioning unit, telebisyon at mobile phone sa loob ng bilangguan.

"If such information is made outside of the Philippines and from sources which are not even verifiable at this point then it would be premature for the department to commit to any action," ani Dato. —FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.