ESPNConnelly: These top CFB teams should be on upset alert this weekendDaily MaverickI have a picture for you! 26 September-02 OctoberThe Jerusalem PostIsrael needs a thin constitution to bridge its political divide - opinionESPN DeportesQué sigue para Clark y las Fever tras ser eliminadasRTP DesportoCaso Manchester City ameaça investimentos dos EAU no Reino UnidoZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFTagesschauBilger erwartet von der Bahn bis 2029 "spürbare Verbesserung"ConsequenceRancid Announce 30th Anniversary …And Out Come the Wolves Box SetNational Post‘Disgusting’ antisemitic flyers distributed in Belleville weeks after synagogue shootingسكاي نيوز عربيةمقذوف يصيب ناقلة أثناء خروجها من مضيق هرمزColliderThe 10 Most Fun Sci-Fi Movies of All Time, RankedBBC News BrasilDistância entre Lula e Flávio Bolsonaro é de 3 pontos no 1º turno no Agregador de Pesquisas da BBC News Brasil
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 2, 2026

2, pinagbabaril sa loob ng bahay na ginagawa umanong drug den sa Tondo, Manila

Translate

Dalawang lalaki ang binaril at napatay sa loob ng isang bahay na ginagawa umanong drug den sa Barangay 194 sa Tondo, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa GMA News 24 Oras, dakong 2:00 am nang mahagip sa CCTV camera ang limang lalaki na nakamaskara sa Molave Street. Makikita na nakasuot pa ng bullet-proof vest ang isa sa kanila, at may dalang baril ang dalawa.

Kinalaunan, apat sa kanila ang pumasok sa kalye ng tirahan ng isa sa mga biktima, habang naglakad sa ibang direksyon ang isa pa.

Hindi nagtagal, nakarinig na umano ng mga putok ng baril sa lugar at umalis ang mga nakamaskarang lalaki.

Kinilala ng mga awtoridad ang isa sa mga nasawi na si alias “Paulo,” na may-ari ng bahay. Hindi naman residente sa lugar ang isa pang biktima.

Tinatayang aabot sa 10 putok ng baril ang narinig umano ng mga residente.

Ayon kay Barangay Chairwoman Imelda Paraiso, matagal nang inirereklamo ang bahay ni Paulo na ginagamit umano bilang drug den, o lugar kung saan puwedeng gumamit ng ilegal droga.

“Eh kasi ito, pot session naman kasi talaga ‘yan. ‘Yan ang malaking problema namin dito. Magaling sila makipagtago eh, di ba nilagyan pa rin nila ng gate tapos pag may pupuntang mga pulis walang tao. Kumbaga, dis oras siguro ng gabi nila ginagawa yon,” sabi ni Paraiso.

Nakita pa umano niyang buhay si Paulo noong Biyernes ng gabi na tila nakikipagtalo sa kausap.

“Para siyang nagagalit, may kausap siya doon. Kaya nagulat ako namatay na siya ngayon, eh kakakita ko lang kagabi nakahubad siya eh,” ani Paraiso.

Ayon sa kinakasama ni Paulo, nasa kuwarto sila nang mangyari ang pamamaril. Hindi umano niya nakita ang mukha nang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang pagkakakilan ng apat na lalaki, at motibo sa krimen.

Sa follow-up operations, natukoy naman ang isa pang lalaki na nakitang kasama sa grupo. Dinala siya sa himpilan ng pulisya para hingan ng salaysay.— Lyjah Tiffany Bonzo/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.