Sangkatutak na alamang, napadpad sa dalampasigan ng Sipalay sa Negros Occidental

Hindi magkamayaw ang mga residente ng Barangay 2 matapos mapadpad ang sangkatutak na alamang o maliliit na hipon sa dalampasigan sa kanilang lugar sa Sipalay, Negros Occidental.
Sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GMA News Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood ang video ng kaniya-kaniyang dakot ng mga residente ng mga alamang na inilalagay nila sa dala nilang lalagyan.
Sinabi ng Sipalay City Agriculture Office na taon-taon itong nangyayari sa naturang dalampasigan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 6, bunga ito ng biglaang pagbabago ng temperatura ng tubig dahil sa pagbaba ng oxygen level sa seabed, kaya nagpupunta ang mga alamang sa mababaw na bahagi ng dagat kung saan mas mataas ang oxygen level.
Tinutulak naman ng alon ang mga alamang papunta sa dalampasigan.—Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.