ESPN DeportesMLB Playoffs: EN VIVO Rays y Guardians buscan ponerse al frente en la ALCSRTP DesportoConselho Executivo da FIFA sem "respostas satisfatórias" de InfantinoESPNFollow live: Rays take on Guardians as series shifts to ClevelandThe Jerusalem PostIsrael 'took the land' from Palestinians, has 'ceded moral ground,' Obama tells Belfast crowdBollywood HungamaKiss Ka Kissa: Vidhi Kasliwal announces romantic short film starring Priyanshu Painyuli and Vandana JoshInquirerDSWD: Mocking PWDs carries legal consequencesDaily MaverickBRICK BEASTS: Special needs learners win national prize for turning plastic waste into sports gearZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioABC NewsWATCH: Rising number of young adults living with parentsالشرقمصر.. قرار حكومي بتثبيت أسعار الوقود دون تغييرVilaWebLliuren 76.000 signatures al parlament per reclamar millores a les escoles bressol 0-3Premium TimesOpposition parties backing Tinubu remind us of Abacha’s ‘leprous fingers’ transition — Duke
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 15, 2026

BALIKAN: Ang brutal na pagbaril ng ex-cop na si Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Tarlac

Translate

Matatandaang kumalat online noong 2020 ang brutal na pamamaril ng noo’y pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Anton Gregorio sa harap pa ng mga kaanak ng mga biktima sa Paniqui, Tarlac. Balikan ang ugat ng karumal-dumal na krimen at ano ang nangyari sa kaso?

Sa nakaraang episode ng “Philippine Controversies Revisited” ni Emil Sumangil, matatandaan na Disyembre 20, 2020, o limang araw bago mag-Pasko, nasa ilalim noon ng MGCQ o Modified General Community Quarantine ang probinsya ng Tarlac.

Nasa labas ng kanilang bahay noong hapong iyon ang 25-anyos na si Frank Anthony Gregorio, o kilala rin bilang si Anton, kasama ang kaniyang mga pamangkin at pinsan sa Barangay Cabayaoasan.

Nag-iinuman sila habang nagpapaputok ng laruang boga. Hindi ito ikinatuwa ng kanilang kapitbahay na si Nuezca, na kakauwi lamang mula sa kaniyang duty sa Parañaque City Crime Laboratory, na nabulabog sa ingay ng paputok.

Galit na nagtungo sa compound ng mga Gregorio si Nuezca at sinugod si Anton, na agad prinotektahan ng kaniyang inang si Sonya.

Pasimpleng kinuhanan ng apo ni Sonya na si Aliza ang pagtatalo ng kaniyang tiyuhin, lola at kanilang kapitbahay na pulis.

Hindi tinanggal ni Sonya ang pagkakayakap sa anak hanggang sa pumagitna na rin ang kapatid na babae ni Anton. Ilang beses siyang tinulak ni Nuezca.

Nasaksihan din ng iba pang miyembro ng pamilya Gregorio ang kaguluhan, pati na ang 12-anyos na anak ni Nuezca, na sumunod noon sa kaniyang ama.

Habang naghahatakan ang apat, biglang sinabunutan ng batang anak ng pulis ang kapatid ni Anton. Gumanti ang babae ng sabunot sa anak ng pulis.

Inawat sila ng isang lalaki, hanggang sa magkasagutan na ang batang anak ni Nuezca at si Sonya.

“My father is a policeman!” sigaw ng anak ni Nuezca.

Tugon naman ni Sonya, “I don't care. Eh, eh, eh, eh, eh!”

Hindi ito nagustuhan ni Nuezca, at dito na niya pinaputukan ng baril ang mag-inang Sonya at Gregorio.

Matapos barilin ni Nuezca ang mag-ina, kinuha nito ang anak at naglakad na tila walang nangyari.

Sumugod ang mga opisyal ng Barangay Cabayaoasan sa bahay ni Nuezca, na tinangka umanong tumakas at magtago sa bahay ng kaniyang mga magulang sa Urdaneta, Pangasinan.

Pagsuko iba pang mga kaso ni Nuezca

Ngunit kinagabihan, nagbago ang isip ni Nuezca at sumuko sa mga pulis sa Rosales Municipal Police Station.

Isinuko niya roon ang kaniyang service firearm at itinurn-over siya sa Paniki Police.

Sinampahan siya ng reklamong two counts of murder.

Lumabas sa imbestigasyon na may iba pang reklamong kinasangkutan ni Nuezca. Gaya ng hindi niya pagharap sa court hearing bilang testigo at pagtangging sumailalim sa drug test na nagresulta sa 31 araw na suspensyon.

Nahaharap din siya sa dalawang administratibong kaso ng grave misconduct kaugnay ng homicide, na parehong na-dismiss noong 2019 dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa kaniyang robbery extortion complaint noong 2014, pinatawan siya ng NAPOLCOM noong Oktubre 21, 2020, ng one-rank demotion.

Dalawang buwan matapos nito naganap ang pamamaril niya sa mag-inang Sonya at Anton Gregorio.

Away sa lupa

Para sa pamilya Gregorio, may nauna na silang alitan sa mga Nuezca dahil sa away sa lupa.

Noong 2018, bumili sina Nuezca at kaniyang asawa ng bahagi ng lupa ni Sonya.

Nag-abot umano ang pulis ng P200,000 ngunit nagka-problema sa mga dokumento at titulo.

Naibalik naman nang buo ang pera ngunit nagsampa si Nuezca ng estafa laban kay Sonya, na ibinasura ng korte.

Mula noon, hina-harass na ng pulis ang pamilya Gregorio.

Setyembre 2020, nag-away naman ang mga Nuezca at mga Gregorio dahil sa mga hollow blocks sa daan.

Pagharap sa kaso

Sa mga isinagawang administrative proceedings, inamin ni Jonel Nuezca ang kaniyang pamamaril.

Pero sa kaniyang virtual arraignment at pre-trial sa Paniqui - Tarlac Regional Trial Court Branch 106 noong Enero 7, 2021 sa kasong kriminal, not guilty ang kaniyang plea.

Opisyal na sinibak si Nuezca sa hanay ng Philippine National Police, apat na araw matapos ang arraignment.

Kinondena rin ni noo’y Presidente Rodrigo Duterte ang ginawang pamamaril ni Nuezca.

Maliban sa usapin ng police brutality at accountability, nabuksan din ang usapin kung paano dapat tinatrato ng publiko at ng media ang mga menor de edad, lalo na ang mga bata na nakakasaksi at nasasangkot sa mga karahasan.

Agosto 2021, o walong buwan mula na maganap ang krimen, hinatulan na ng Tarlac Regional Trial Court si Nuezca na guilty sa pagpatay sa mag-inang Gregorio.

Pinaruhasan siya ng reklusyon perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong para sa bawat kaso. Ipinag-utos din ang pagbabayad ng dating pulis ng halos P1 milyong danyos sa pamilya Gregorio.

Ngunit noong Nobyembre 30, 2021, bumagsak si Nuezca habang papunta sa ospital sa loob ng New Bilibid Prison matapos makaramdam ng pagkahilo. Idineklara siyang wala nang buhay bandang 6:44 p.m.

Cardiac arrest ang naging sanhi ng kaniyang pagkamatay, batay sa paunang autopsy report na ibinahagi ng DOJ. Wala rin nakitang indikasyon ng foul play. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.