The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, September 17, 2026

20-anyos na babae, patay nang sakalin ng 19-anyos na pamangkin na napikon sa kanilang pagtatalo

Translate

Nasawi ang isang 20-anyos na babae matapos sakalin ng kaniyang 19-anyos na pamangkin na napikon umano sa kanilang pagtatalo sa Calamba, Laguna.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, isinalaysay ng pulisya na mula eskwelahan, nakipag-bonding ang biktima sa suspek sa isang mall bago sila umuwi sa bahay ng lolo ng suspek.

Kalaunan, umalis ang pamangkin at iniwan sa kuwarto ang kaniyang tiyahin na nagpapahinga umano.

Nakita ng lolo ng suspek ang missing person post sa social media, kaya agad siyang tumawag sa kapatid ng biktima.

Linggo ng gabi nang matuklasang wala ng buhay ang biktima.

Isinuko ang suspek sa pulisya ng kaniyang pamilya.

Lumabas sa kaniyang sinumpaang salaysay na napikon siya nang magtalo sila ng kaniyang tiyahin.

Humingi ng tawad ang suspek sa nangyari.

Gayunman, desidido ang pamilya ng biktima na ituloy ang pagsasampa ng reklamo sa suspek. —Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.