Atong Ang, nakalabas na ng Pilipinas sa pagdaan sa 'backdoor' -- SILG Remulla

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na itinuturong utak sa pagkawala ng ilang sabungero.
“Backdoor siya dumaan,” sabi ni Remulla sa press briefing nitong Martes.
Noong Hulyo, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na bineberipika pa nito ang mga ulat na nakalabas na ng bansa si Ang.
Nahaharap si Atong Ang sa mga kasong kidnapping with homicide, gayundin sa kidnapping at serious illegal detention sa mga korte sa Sta. Cruz, Laguna; Lipa, Batangas; at San Pablo, Laguna.
Hindi na siya nakikita mula pa nitong nakaraang Enero. —FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.