ESPNMMA pound-for-pound rankings: Natalia Silva steps up, stands out from crowdESPN DeportesMessi y Cristiano Ronaldo, diferentes hasta para irseThe Jerusalem PostYemen displacement surges past 200,000 following fresh Houthi offensive, UN migration body warnsColliderAlfred Hitchcock’s ‘Psycho’ Officially Returns to Alamo Drafthouse Theaters With Eric Nam [Exclusive]South China Morning PostSingapore’s air pollution worst in world as haze shuts Malaysia schoolsZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFAnime News NetworkManga Up! Global Adds Magical Girl Recruiter Puicho!, Bitter Knight in My Sweet Café, 3 More MangaThe RegisterWhen one datacenter is no longer enoughDeadlineToby Emmerich Joins FilmNation Entertainment’s Infrared As Consultant
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 7, 2026

Pang-tuition na ginamit na puhunan sa negosyong 'tumbong,' lumago

Translate

Ipinakita ng isang business-minded na Gen Z ang kaniyang tapang ng loob nang ang P50,000 na kaniyang inipon para sa pang-tuition fee niya, ginamit niyang puhunan sa negosyong "tumbong". Ang kaniyang sakripisyo, nagbunga dahil kumikita na siya ngayon ng P50,000 hanggang P60,000 kada buwan.

Sa nakaraang episode ng Pera Paraan, itinampok ang negosyong kainan ni Laarni Manalaysay, na ang mga inihahain ay mula sa iba't ibang luto ng "tumbong" ng baboy.

“Kaya po tumbong naisip ko pong negosyo kasi kakaiba po siya. Usually po kasi may manok, may mga baboy,” kuwento niya. “Dati po kasi 'yung tatay ko may canteen po kami doon sa may katayan po ng baboy. 'Yung mga laman loob noon, ‘pag po nakatay, binibigay po sa amin. Tapos niluluto po ni Papa 'yung tumbong,” kuwento niya.

Ang tumbong ang parte ng bituka ng baboy na madalas ginagawang tuhog-tuhog na street food.

Natutunan ni Laarni ang pagiging business-minded sa murang edad dahil sa kaniyang mga magulang.

Mahilig na siyang magbenta ng kung ano-ano at ang kaniyang kinikita, iniipon niya para sa kaniyang tuition fee.

Ngunit sa halip na ipang-e-enroll ang P50,000, naging instant puhunan ito.

“Kinabahan po ako siyempre na ‘pag nag-lose ito, mag-iipon na naman ako. Baka mga 3 years pa ‘to bago ako maka-school. Kasi po ang nasa mindset ko po ‘pag po hindi siya nag-click, magwo-work po ako,” saad niya.

“‘Yung pag-start po ng negosyo, biglaan lang po. Biglaan lang po talaga siya. Tapos 'yung pag-stop po sa school naman, biglaan lang din po siya. Nagbakasyon lang ako rito 3 days. Tapos nagbukas po kami agad ng tumbong,” kuwento pa niya.

Ayon kay Laarni tatlong araw lang nilang pinag-isipan ang kanilang menu at matapos nito, nagtayo sila agad ng shop na maliit.

Gayunman, hindi biro ang mga hamon para sa Gen Z business owner na tulad niya.

“Kung meron naman po akong struggle dito sa business na ‘to, siyempre po ‘di ba biglaan 'yung business na ‘to. Kumbaga hindi ko po alam kung hanggang kailan tatangkilikin ng tao ‘to. Kaya pinag-aralan ko po tong business na to, kung paano po siya masusustain na hindi po magsasawa 'yung tao sa lasa na ‘to.,” patuloy niya.

Lumalakas ang loob ni Laarni kapag naiisip niya ang kaniyang tatay.

“Siya po kasi ang nagturo sa amin magluto. Kaya siya po talaga 'yung naaalala ko kapag nandito po ako.”

Makaraan ang mahigit isang taon, nakalipat na sa mas malaking puwesto sina Laarni, at dinadayo pa ito ng ilang content creator.

Ngayon, kumikita na rin ng P50 hanggang P60,000 kada buwan ang negosyo ni Laarni. Hindi niya naman nalimutan na balikan ang kaniyang pag-e-eskuwela.

“Medyo nakaipon na po ako ng kaunti. Bumalik po ako sa school po. Nag-aral po ulit ako. Tapos nitong June po, nag-graduate na po ako,” pagmamalaki niya.

“Dapat po talaga, kailangan mo rin magtiwala sa sarili mo. Huwag po 'yung hihinaan loob mo. Lakasan lang po talaga ng loob sa business,” dagdag niya. -- FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.