ESPN🏈 Early look at NFL trade deadline: 10 candidates to move, predictionsRTP Desporto18h30 Cristiano Ronaldo merece despedida com dignidadeDaily MaverickSA doesn’t know how many leopards it has. Trophy hunting quotas are setESPN DeportesQué sigue para Clark y las Fever tras ser eliminadasThe Jerusalem PostAbu Shehadeh withdraws after Supreme Court signals disqualificationBollywood HungamaEXCLUSIVE: BIG BREAKTHROUGH for Salman Khan’s Maatrubhumi as it gets government clearance; revised film shows India-China ties in a positive lightZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioGlobal NewsPilots of deadly Miami plane crash weren’t warned of tailwinds, report saysScreen RantTitus Welliver's DC Return With New Crime Series Earns Stellar Rotten Tomatoes ScoreStraits Times SportPretorius smashes highest ever score in T20 cricketColliderHarry Potter: How HBO Turns Britain Into One Wizarding WorldFox NewsFanatics Sportsbook Promo Code FOXNEWS350: Bet $20, Get $350 on Ducks vs Golden Knights
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 2, 2026

Pulis na nahuli-cam na nanghipo umano sa babae, tanggal na sa puwesto

Translate

Nahuli sa CCTV camera ang isang pulis nang pasimpleng hipuaan niya ang isang babae na nasa tindahan sa Caloocan City. Pero may iba pa umanong biniktima ang pulis.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, makikita sa kuha ng CCTV footage ng isang tindahan sa Caloocan City na halatang hindi komportable ang biktimang babae at paulit-ulit na lumilingon.

Bago makarating sa tindahan, hinipuan umano ng isang lalaki ang biktimang itinago sa alyas na “Carina.”

“Hindi pa ako nakarating ng tindahahan, may mama po na nakatayo doon, tapos nung papalit na po ako sa kaniya… bigla pong hinawakan yung braso ko, itinulak papunta sa dibdib ko,” sabi ni Carina.

Kinilala ang lalaki na isang pulis na may ranggong Master Sergeant na nakatalaga sa Police Sub-station 8 sa Caloocan City. Sinundan pa umano nito si Carina sa loob ng tindahan.

Makikita sa CCTV footage ang umano’y paghawak ng pulis sa puwitan ni Carina. Makikita rin sa video na itinulak ng babae palayo ang kamay ng pulis.

“Hindi ko po alam na sumunod po pala siya doon. Tapos doon niya nga po inano yung puwetan ko,” ani Carina.

Ngunit hindi lang si Carina ang nabiktima umano ng pulis.

Ang isa pang biktima na si alias "Celia," sinabing nagkaupo siya sa isang mall noong Enero nang mangyari ang panghihipo sa kaniya ng pulis.

“Tinapik niya yung tuhod ko na ganun… pinisil niya yung balikat ko dalawang beses. Sa kanya, normal na ica-catcall ka na ‘ang bango mo naman’, ‘ang ganda mo naman’, ‘bakit di ka pumapayat’,” sabi ni Calia.

Nang makarating sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang insidente, nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan.

“I did not expect our police officer, a senior police officer at that, ay magmamanyak ng isang babae sa tindahan,” ani Calinisan.

Sinabi ni Calinisan na iniimbestigahan ang insidente at ilang kaso ang isasampa laban kay Colisao, kabilang ang grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Kabilang sa mga posibleng parusa ang suspensiyon, pagbaba ng ranggo o tuluyang pagtanggal sa serbisyo.

Sinubukan ng GMA News na kunin ang panig ng pulis, ngunit hindi siya humarap sa kamera. Gayunman, sinabi niyang haharapin niya ang mga kasong isasampa laban sa kaniya.

Noong Setyembre 30, tinanggal na si Colisao sa kaniyang puwesto. Kinumpirma ito ng kaniyang officer-in-charge na si Police Lieutenant Elsie Guerrero. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.