Inquirer EntertainmentDimples Romana’s husband Boyet Ahmee proposes to wife anew in ParisPunchMy late father appeared in dream, warned me not to succumb – Jimmy OdukoyaDaily MaverickUS, China can help end Ukraine war, Trump tells Xi before trilateral with PutinInquirerBukidnon cops arrest 13 fugitives in four-day sweepThe Jerusalem PostHebron man arrested for allegedly threatening to murder Israeli elected officialNumeramaGinny & Georgia saison 4 : Netflix fait tomber la date de sortie et de premières imagesRai NewsAddio a Piero Vigorelli, firma del giornalismo e della televisioneRMF24Dron nad gdyńskim portem. Policja zatrzymała 40-latka, grozi mu więzienieZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFCNewsАстраханский бизнес на четверть увеличил спрос на умное видеонаблюдениеBellaNaijaBurna Boy, Asake & Seyi Vibez Bring Afrobeats to the World of GTA VI20 Minuten2028 droht der nächste Prämienhammer – folgt darauf Entlastung?
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, November 19, 2026

Babae, nahuli-cam na nakatayo habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Cavite; LTO, umaksyon

Translate

Sapul sa video ang isang babaeng rider na tumatayo sa minamaneho niyang motorsiklo at inuunahan ang ibang rider sa Bacoor, Cavite. Ang Land Transportation Office (LTO), umaksyon at sinuspinde na ang lisensiya niya.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood ang video ng motorcycle rider na babae habang binabaybay ang Molino Boulevard, at ilang beses pang nag-overtake sa ibang motorsiklo.

Sa isang pagkakataon, makikitang hindi suot ng babaeng rider ang kaniyang helmet habang nasa isang stoplight.

Ayon sa uploader, tumingin umano nang masama ang babae sa iba pang rider habang nasa isa pang stoplight.

Natuklasang hindi ito unang beses na ginawa ng babae.

Sa isang video na in-upload noong September, mapanonood na nakatayo rin ang babaeng rider sa motorsiklo habang sumisingit sa iba pang sasakyan.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng LTO na naglabas sila ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang rider ng motorsiklo.

Isinailalim din umano sa 90-araw na preventive suspension ang lisensya ng itinalagang rider at inatasan siyang agad itong isuko sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID).

Sa SCO, inatasan ang rider na humarap sa tanggapan ng IID sa Quezon City sa Nobyembre 27, 2026, upang magsumite ng sinumpaang komento o paliwanag, pati na ang mga kaukulang dokumento.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

“Ang pampublikong kalsada ay hindi lugar para sa mapanganib na stunt o pagpapakitang-gilas. Kailangang unahin ng bawat rider ang kaligtasan sa bawat biyahe dahil ang ganitong gawain ay maaaring magdulot ng aksidente at makapahamak sa ibang gumagamit ng kalsada,” pahayag ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.