PunchI’m a godfather, but don’t interfere in Abiodun’s govt — OsobaThe Jerusalem PostPalestinian-American to challenge John Fetterman for Pennsylvania Senate seat in 2028InquirerAmihan, easterlies to bring rains across parts of PH on Nov. 10CNN TürkHava Durumu (10-11-2026)Observador DesportoSapadores de Lisboa com 130 ocorrências das 0h00 até às 6h00Global NewsFrustration level high for beleaguered CanucksRTL BoulevardCruiseschip dat strandde in Cambodja nu in beslag genomen in SingaporeThe Sydney Morning Herald‘Smitten, yes. Obsessed, no’: Lamarre-Condon tells court about his feelings for TV presenterDaily MailResurfaced video shows moment Russell Brand and his father recall nights 'with prostitutes in Hong Kong'CNN بالعربيةمستوحى من فراء الغزال.. كايلي جينر تختار تصميمًا سعوديًا على السجادة الحمراء بلوس أنجلوسSözcüSon dakika... Cafer Mahiroğlu soruşturmasında ikinci dalga operasyonCumhuriyetAliağa faciasının ardından sanat dünyasından peş peşe taziye mesajları: 'Yüreğimiz yandı'
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 10, 2026

Lalaking inakusahan ng panghahalay sa kapitbahay sa San Juan, huli matapos ang 3 taon pagtatago

Translate

Isang 35-anyos na lalaki na akusado sa panghahalay sa kaniyang kapitbahay sa San Juan ang inaresto makaraan ang tatlong taon niyang pagtatago.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Martes, sinabing pinagtulungang posasan ng mga tauhan ng San Juan Police ang lalaki matapos siyang matunton sa kaniyang bahay sa Baras, Rizal.

Naganap ang pang-aabuso umano ng akusado sa biktima noong 2023.

“Ito pong akusado natin ay na-charge po siya ng rape by sexual assault, Article 266-A po. Ayun po,” sabi ni Police Colonel Anthony Gantang, hepe ng San Juan City Police.

“Ang ating akusado ay pinasok ang ating biktima sa kaniyang bahay at doon isinagawa ang panghahalay,” sabi ni Gantang.

Inilabas ng korte ang arrest warrant laban sa akusado noong Enero 2024.

Itinanggi ng akusadong si alyas “JR” ang paratang, at sinabing may matinding pag-aaway lang sila noon ng kaniyang kapitbahay.

“Kaya po sobrang galit ko po. Sinugod ko po doon sa may bahay nila. Mapapatunayan naman po sa korte na hindi ko po ginawa ‘yun,” sabi ni alyas JR.

Umamin siyang nagtago siya pero hindi panghahalay umano ang rason.

“Mayroon po kasi akong kasong drugs po, ma'am, na naka-probation po 'ko kaya po natakot po akong mabalik dito sa loob kaya po nagtago po ko,” sabi ng akusado, na nakakulong sa custodial facility ng San Juan City Police Station. —Jamil Santos/KG GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.