2, patay sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Cotabato; 2 iba pa, sugatan

Dalawa katao ang nasawi habang dalawa ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Midsayap, Cotabato.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na matulin ang takbo ng isang motorsiklo nang mabangga ito ng likurang bahagi ng sinusundan nitong motorsiklo sa Quezon Avenue National Highway sa Barangay Poblacion Uno.
Nasawi ang 21-anyos na rider ng nakabanggang motorsiklo, habang dead on arrival sa ospital ang 17-anyos na babaeng angkas ng nasalpok na motorsiklo
Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatan nilang kasama.
Sinusubukan pa silang makuhanan ng pahayag ang mga nasugatan, pati na ang kaanak ng mga nasawi, ayon sa ulat.-- Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.